Chapter 43

482 20 4
                                    

"You've been ghosted," sabi ni Ella na parang alam na alam na niya 'yong nangyayari sa utak ni Braden.


Bumagsak 'yong balikat ko dahil sa sinabi niya. Hindi naman siguro ako igo-ghost ni Braden... Noong sinabi ko bang pagod na ako 'yon na 'yong breakup? Noong umalis ako dahil ayaw ko na mag-away kami, 'yon na?


"One month pa lang naman," sagot ko at nag-sigh. Hindi niya ako igo-ghost.


One month nang hindi nagpaparamdam sa akin si Braden simula noong umalis ako sa apartment niya dahil pinag-awayan namin 'yong pagso-smoke niya. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa kanya dahil kahit sa social media bigla siyang nawala. I contacted his friends pero wala rin silang balita.


"Tumatawag ka, diba? Sinagot ba?" sabi naman ni Jas.


Umiling ako at nararamdaman ko na nagfo-form 'yong tears sa gilid ng mga mata ko. "Finals week naman niya two weeks ago."


Tinaasan ako ng kilay ni Ella. "Sabay kami ng finals week pero nakikinig ako sa'yo noong mga panahon na 'yon. At ngayon, sinusulit namin ni Jas 'yong bakasyon namin kasama kayo kahit midyear. Nasaan na siya ngayon?"


Tumango si Jas. "At hindi na rin election season ngayon, talo na nga 'yong tatay niya, kaya 'wag niyang gawing excuse 'yon kung bakit hindi siya nagparamdam sa'yo."


"Baka may problema kasi natalo nga 'yong tatay niya," pagde-defend ko pa rin kay Braden.


Nakatingin lang sila sa akin na parang naghihintay sa susunod na sasabihin ko about kay Braden.


God!" sabi ko at napatakip sa mukha ko dahil nag-uumpisa nang tumulo 'yong luha ko dahil sa realization na baka nga na-ghost ako ni Braden.


"Daph, tama na 'yan," sabi ni Crystal at hinimas 'yong likod ko.


"We hate seeing you like this, Daph," sabi naman ni Blair.


Pinunasan ko 'yong mga luha ko. "Hindi naman kami nag-break, eh. Breakup na ba 'yong nangyari noong gabing 'yon?" Iniisip ba niya na dahil sinabi ko na pagod na ako, break na agad kami?


Ella rolled her eyes. "Dapat alam niya na hindi breakup 'yon, tumatawag ka nga, diba? Tsaka hindi naman sinabi na break na kayo." She sighed. "Ang labo niyo naman."


"Puntahan ko na ba siya sa apartment niya sa UPLB?" tanong ko sa kanila.


Lalong tumaas 'yong kilay ni Ella. "Ibababa mo na naman pride mo?" Huminga siya nang malalim. "Okay, bahala ka pero I'm against it kasi ibababa mo na naman pride mo para sa kanya."


"Anong gagawin ko?" tanong ko sa kanila. "I don't want to lose him."


Tumaas 'yong dalawang kilay ni Jas. "Why is that? Is he still worth it? Buhay ka naman sa buong one month na wala siya."


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now