Chapter 7

608 16 0
                                    

"Ha? Bakit naman kailangan kasama pa ako?" tanong ko sa kanya.


"Auditor ka, diba? Diyan lang naman tayo sa palengke."


"May meeting dance club mamaya," sabi ko.


"Sa Thursday pa naman tayo pupunta. Sumama ka na para may katulong ako pumili ng prizes."


Mukhang mamimilit talaga siya at one thing na natutunan ko about sa kanya sa one year na pinipikon niya ako, ipipilit niya talaga 'yong gusto niya kahit anong mangyari.


"Sige na, sa Thursday," sabi ko na lang para matigil na siya. Wala rin naman akong practice or meeting sa Thursday.


After ng meeting namin, tapos na rin 'yong first break kaya bumalik na lang ako sa classroom namin na nagkakagulo dahil walang teachers sa paligid.


"Axel, tara na. Lunch na," tawag ko kay Axel na kasama 'yong isang group ng guys sa school namin.


Forgot the name of their group, basta para silang frat sa dami nila tapos may leader sila. I find it weird kasi group of friends sila pero may leader sila. May mga kasama rin silang iilan na girls


"Sige, susunod ako," sabi ni Axel.


Nag-shrug lang ako at umalis na sa harapan nila dahil naiirita pa rin ako kay Braden at nandoon siya sa group na 'yon.


"Daphne, sa Thursday, ha?" sigaw ni Braden sa akin pagkatalikod ko sa kanila.


Lumingon ako sa kanya at tinignan ko siya nang masama. Hindi naman niya kailangan sabihin 'yon out loud.


Binigyan ako ng questioning look ni Crystal at Axel.


"What the hell?" Axel mouthed.


Inirapan ko na lang si Braden at tumalikod na ulit. He's starting rumors and that's the last thing I want right now.


"What the heck was that?" tanong ni Crystal sa akin. "Anong mayroon sa Thursday?"


"Club stuff."


"Bakit kailangan niya ipagsigawan though?"


"I don't know... and I don't care." Ayaw ko masyadong isipin because that would lead to curiosity and hindi healthy for me ang pagiging curious.


Pagdating namin sa graden ng school, ang nandoon pa lang ay si Ethan, Jas, at Julian. Magkakakilala naman na sila kaya nag-uusap sila. Lahat naman kami athletes kaya magkakasama kami sa mga competitions.


"Jas, nasaan sila Blair?" tanong ko at umupo ako sa tabi niya. Umupo naman sa tabi ko si Crystal kaya nasa gitna namin siya ni Ethan.


"May kinuha lang si Blair sa student council room kaya ayon kasama niya si Ella. Hindi na ako sumama dahil kailangan ko lahat ng energy ko para mamaya. Madugong practice na naman 'yan para sa club promotions."

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now