Chapter 34

497 16 8
                                    

"Ako na lang mag-e-edit nito," sabi ni Braden sa akin habang pinapanood niya 'yong dance cover ko. Tinulungan ako ni Crystal mag-take ng video at si Ethan dapat mag-e-edit dahil sila naman talaga gumagawa noon pero busy si Ethan sa pagtulong sa daddy niya sa work.


"May time ka pa ba?" tanong ko sa kanya dahil next week pa 'yong start ng classes namin pero parang ang dami na agad naming gagawin.


"Hindi na tayo kasali sa sports, diba?" sabi niya at ngumiti. "Kaya ko na 'to gawin, sus, tsaka may excuse na ako panoorin nang paulit-ulit 'yong dance cover mo."


"Sige, ikaw bahala. Next month ko pa naman 'yan kailangan. May mga nakahanda pa naman akong dance cover para sa mga susunod na weeks."


"Ayaw mo bang mag-vlog na rin para tuluy-tuloy na mga content mo?"


"Ang hirap ng grade 12, eh, baka hindi ko mapanindigan."


"Susubukan mo lang naman, tutulungan naman kita mag-edit, pero kung feeling mo hindi mo pa talaga kaya, 'wag mo rin pilitin."


"Kapag gumaan na siguro nang kaunti 'yong mga ginagawa natin. Dance covers na lang muna ngayon."


He smiled warmly. "Basta ako lang biggest fan mo, Daph, kahit anong gawin mo. At susuportahan kita kahit saan."


That's nice to hear... Siya talaga 'yong confidence booster na kailangan ko sa lahat ng gagawin ko.


"Bakit nga ba ako sumali dito sa Science Fair?" tanong ko kay Braden habang nag-aayos ng papers. Second week pa lang namin sa Grade 12 ang dami na agad ginagawa!


Tinapik niya 'yong kamay ko na nakapatong sa lap ko. "At least pagkatapos ng Science Fair, puro UPCAT na lang aasikasuhin mo."


Lahat kaming magkakaibigan sumali sa Science Fair since may subject naman talaga kami na Experimental Research. Mas inagahan lang namin para chill na kami sa end ng year. Pati 'yong mga sumali sa robotics counted na rin as Experimental Research kaya si Braden may project din.


Magkakagrupo kami nila Julian at Jas. Magkagrupo si Crystal at Ethan sa project nila. Sa Robotics si Matt at Axel, magkagrupo rin sila. Si Blair at Ella parehas nag-individual sa magkaibang category.


Kino-comfort lang ako ni Braden habang ginagawa ko 'yong part ko sa paper namin nila Julian, inumpisahan namin 'to noong summer pero medyo matagal-tagal 'yong process ng pag-gather ng data kaya hindi pa tapos hanggang ngayon. Tapos lagi pang nanghihingi ng updates 'yong research adviser namin.


May narinig akong ingay sa likod ng classroom namin kaya napatingin ako roon at nakita ko si Axel na hawak na 'yong collar ni Jerome, 'yong nag-send ng dick pic sa akin dati. Ano na naman kayang nangyari ngayon?


Tumayo ako para sana pigilan si Axel dahil alam ko na kapag inaway niya si Jerome, siya pa mapapatawag sa Principal's Office kahit pa si Jerome 'yong may kasalanan.


"Daphne, 'wag ka na makigulo diyan baka madamay ka," saway sa akin ni Braden.


[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now