Chapter 3

822 14 1
                                    

Dinala niya ako sa auditorium kung saan walang tumatambay na students.


"Ano mo ba talaga si Axel?" tanong niya sa akin. Halata sa mukha niya na naiirita na siya pero pilit niyang pinapakalma 'yong sarili niya.


"Best friend ko nga si Axel, ano bang kinakainis mo diyan?" pagpapaliwanag ko. Saan na naman ba nanggagaling 'yong inis niya? Ilang beses ko nang sinasabi sa lahat ng tao na wala naman kaming relationship ni Axel.


Naiintindihan ko naman na nagseselos siya sa closeness namin ni Axel pero ang tagal-tagal na naming pinag-uusapan 'to.


"Nakita raw kayo ni Braden na pumunta doon sa likod ng building natin," sabi niya sa akin. "Totoo ba 'yon o hindi?"


"Nandoon kami kanina dahil kailangan namin dumaan sa ibang lugar dahil gusto namin bigyan ng alone time si Crystal at Ethan."


Napapikit siya at mukhang frustrated na talaga. "Hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko, Daphne. May pictures pa ngayon na kumakalat nakasandal siya sa balikat mo habang nasa jeep kayo."


"Sinasabi ko 'yong totoo, bakit ba ayaw mo maniwala? Mas paniniwalaan mo pa si Braden? Mas pinapaniwalaan mo pa 'yong pictures?" Nakakainis dahil pinagbibintangan niya ako sa isang bagay na hindi ko naman ever gagawin tapos hindi pa siya naniniwala sa explanation ko.


"Marami ring nagsabi sa akin na nakita kayo ni Axel na galing doon, ano ba sa tingin mo ang iisipin ko?"


I frowned dahil hindi talaga siya nakikinig sa explanation ko. "Isipin mo na lang kung anong gusto mong isipin. Wala akong ginagawang masama sa'yo kaya kung hindi ka maniniwala 'wag na lang natin ituloy 'to."


Nag-ring na 'yong first bell kaya nagpaalam na ako sa kanya. So I'm single again, I think.


"Kumusta?" tanong sa akin ni Ethan pag-upo ko sa tabi niya.


"We broke up, I guess," I answered and shrugged. Hindi ko naman alam kung break na kami basta nainis na lang ako eh. Ayaw ko ma-stress sa relationships kasi it's supposed to be fun.


"Daph, usap tayo," tawag sa akin ni Jonathan noong break time pero wala na talaga akong patience para sa kanya. Hindi naman kasi ito 'yong unang beses na pinag-awayan namin si Axel.


"Look, Jonathan, I understand na nagseselos ka pero sana naman makinig ka kapag nag-e-explain ako kasi nagsasabi naman ako ng totoo. Tsaka ano bang gusto mong mangyari? Kasi kung itutuloy natin 'yong relationship natin sure ako na hindi ito 'yong huling beses na pagseselosan mo si Axel."


Nakikinig lang naman siya sa akin pero parang hindi naman siya naniniwala kaya lalo akong nainis. Ano bang akala niya sa akin? Ayaw ko nga ng PDA tapos makikipag-momol ako kay Axel sa likod ng school?


"Hindi ako mag-a-adjust para sa'yo lalo na at alam ko na wala naman akong ginawang mali. Ayaw mo lang maniwala sa akin."


Mukhang nainis siya sa akin dahil sumama 'yong mukha niya at naging malamig 'yong tingin niya sa akin. "Sige, kung 'yan ang gusto mo. Gusto ko lang naman makipag-usap nang maayos."

[Career Series #4]: The Water Pollutant (COMPLETED)Where stories live. Discover now