Chapter 37: The Bandits

1.2K 48 4
                                    

Disha's POV

Maraming tanong pa rin ang umiikot-ikot sa isipan ko. Ang mga taong nagligtas sa amin ay mga bandido—ay, hindi, mali, mga dating bandido sila gaya nang mga bali-balita patungkol sa kanila at kung anong trabaho ang kanilang ginagawa. Pero ngayon ay matagal na daw silang tumigil sa kanilang maling ginagawa. Kung noon ay nangunguha sila nang mga aalipinin, ngayon ay sila na mismo ang nagliligtas. At dahil iyon matapos mamatay ang dating namumuno sa kanila kaya sila nagbago. Tsaka may bago na rin silang panginoon na siyang sinusunod nila sa lahat nang anumang bagay na ipag-utos nito sa kanila.

Matapos ang mahabang lakaran kanina ay dinala nila kami sa isang tagong lugar na pinapalibutan ng kuweba. Nasa loob kami ngayon nang isang malaking kweba na may malaking butas sa ibabaw kaya maliwanag naman. Maraming babae at mga bata dito sa loob, pero mas lamang naman ang mga kalalakihan dahil ilan sa kanila ay mga batang dating hinuli at gagawin sanang mga alipin buti na lang at nailigtas sila nang mga nakakatanda.

At maliban sa kweba ay may iba pang lagusan palabas ang kweba kung saan naroon naman ang maliit nilang baryo. Doon naman ay naroon ang malaking tirahan ng kanilang kanang-kamay ng kanilang Pinuno.

"Ayos na ang lahat, Kamahalan, hindi niyo na kailangan pang matakot." saad ng isang matandang babae.

Nasa loob kami ngayon sa isang malawak na silid. I think  social hall nila. Puro matatanda na lalaki at babae ang karamihan sa amin dito sa loob. Masaya silang nag-iinuman, kumakain, at nagkwe-kwentuhan. Wala pa si Haya sa tabi ko dahil nagbibihis pa siya. Ayoko ngang maghiwalay kami dahil baka may mapahamak sa isa sa amin. Kaya nga ako nag-aalala dahil baka napaano na iyon.

Ngumiti na lamang ako sa matanda. Di rin nagtagal ay dumating na nga si Haya sa tabi ko. Mabuti na lamang at walang masamang nangyari sa kaniya. Dali-dali ko siyang tinawag at pinatabi ko siyang umupo sa tabi ko. May masama lamang akong nararamdaman dito sa loob. Hindi ako sigurado pero naghihinala lamang ako sa kanilang lahat. Isang tanong lang, paano nila nalaman na ako ay isang Reyna? Coincidence lang ba lahat nang mga pangyayari? Lalo na no'ng time na niligtas kami, nagkataon lang nga ba?

Napalinga-linga ako nang biglang tumahimik sa paligid. Kung saan-saan dumadapo ang paningin ko. Anong nangyayari?

"Haya, umalis na tayo." bulong ko.

"Ganoon din po pala ang nararamdaman ninyo?" bulong niya naman. Tumango lamang ako bilang sagot dahil ayaw lang naming makahalata sila.

"Masama ang kutob ko." bulong ko.

"Pero paano po tayo makakatakas? Nakapalibot sila sa atin, Kamahalan." bulong niya. Tama siya wala kaming t'yansang makatakas dito. Pero kung may pagkakataon tityempo kami. Kung sino man ang pinuno nila delikado ang buhay namin sa kaniya. Masama lang talaga ang kutob ko na parang may hindi tama.

Biglang tumahimik ang paligid. Ang lahat ay puno nang tuwa sa kanilang mga labi. Nagsalubong ang dalawa kong kilay dahil sa pagtataka. Napahawak na lamang ako sa kamay ni Haya na siyang namang ikinasinghap ko dahil sobrang lamig nito. Napatingin ako sa kaniya at napansin kong namumutla siya at pinagpapawisan nang malamig. Hindi ko maipaliwanag ang pangyayari kaya tumingin na lamang ako sa lugar kung saan nakatuon ang pansin niya.

"K-Kamahalan, u-umalis na tayo." pati ang boses ni Haya ay nanginginig. Wala na kaming magagawa pa kaya tumayo na ako at gano'n din si Haya pero nang makatayo na kami ay may kung sino naman ang dumating. Ngayon alam ko na kung bakit nagkakaganito si Haya.

Tinago ko sa aking likuran si Haya at mahigpit itong hinawakan para hindi siya matakot. Muli naman akong tumingin sa kaniya. Kinakabahan man ay kailangan kong protektahan si Haya. Pero bakit siya nandito?! Paano niya kami natunton?

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now