Chapter 33: Find Her

1.4K 54 2
                                    

Haya's POV

"Ginoo, hanggang kailan mo ba ako balak ikulong dito sa iyong silid? Nabuburyo na ako dito. Hayaan mo na lamang kaya akong tahimik na umuwi dahil may kapatid pa akong naghihintay sa akin. Ginoo!" tawag pansin ko sa kaniya pero hindi man lang niya ako magawang kausapin. Ilang linggo—mali…mukhang mag-iisang buwan na ako dito sa lugar na ito. Kahit makailang ulit na akong tumakas, magsisisigaw sa kaniya, gumawa ng eksena, o ano mang bagay na makakakuha ng atensyon niya, ay hindi niya pa rin ako pinapansin.

Wala tuloy akong ibang magawa kung hindi ang umupo, humiga at umiyak tuwing gabi dahil sa takot na hindi na nga ako makakauwi pa. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat kung gawin. Nawawalan na ako ng pag-asa. May naghahanap pa ba sa akin? Nag-aalala rin kaya sila sa akin? Yung kapatid ko, si Weyla, sobra-sobra na akong nangungulila sa kaniya. Siya lamang ang meron ako. Siya lamang ang nagbibigay buhay sa akin. At ayaw na ayaw kong makitang umiiyak siya nang dahil sa akin.

Matapos kong makita...makita ang mga imaheng iyon, hindi na ako pinapatulog no'n. Isa bang simpleng panaginip iyon o isang ala-ala na matagal nang naibaon sa limot? Yung kaharian, yung mga magulang namin, yung iba pa naming mga kapatid, yung pagdukot sa amin, yung paghihirap namin noon ay bigla kong nakita, lumabas lahat sa isipan ko. Gusto kong maniwala at panghawakan ito habang nabubuhay ako. Para kahit papaano ay alam kong may pamilya kami na uuwian. Pero hindi dapat doon magtatapos dahil kailangang magbayad ang nasa likod nito. Nang dahil sa kaniya nawalay at nagdusa kami ng kapatid ko nang mahabang panahon. Hinding-hindi ko mapapatawad ang taong nasa likod nito.

"Maaari bang itikom mo na lamang ang iyong bibig, Binibini? Mapapagod ka lamang sa kakapilit sa akin dahil hinding-hindi kita papayagang makaalis sa puder ko." rinig kong saad niya mula sa labas. Umupo na lamang ako sabay sandal ko sa pintuan.

Muli na naman kaming kinain ng katahimikan. Walang umiimik sa amin maliban na lamang sa aming paghinga na tanging gumagawa ng ingay, na rinig na rinig ko.

"Alam mo…" narinig ko siyang magsalita.

Hindi ako tumugon. Hinayaan ko lang siyang maghintay.

"Alam mo ba, noong bata pa ako hindi ko naranasang magkaroon ng magulang o kapatid. Hindi ko rin alam ang salitang pagmamahal. Namuhay akong puno ng puot at paghihiganti sa taong bumuhay sa akin." nakikinig lamang ako.

Hindi ko inaasahang magki-kwento siya tungkol sa buhay niya. Bakit niya pa sinasabi? Dapat ba akong matuwa dahil nilamon na siya ng galit niya? Kailangan ko bang maaawa at hayaan na lamang siya? Eh paano naman ako? May pamilya ako at naghihintay sila sa akin.

"Pero..." hinintay ko siyang muling magsalita. Umabot ng ilang minuto bago ko muling narinig ang boses niya.

"Di bale na nga lang, hindi mo naman nauunawaan." sabi niya. Ano daw? Wala pa naman siyang sinasabi ah!

"Magkwento ka lang, makikinig ako." sabi ko. Nais ko lang malaman kung ano bang kasunod ng pero niya. Wala rin naman akong ibang magagawa, paminsan-minsan lang din siyang magsalita, at nabuburyo na rin ako sa lugar na ito. Mukhang hindi na nga ako makakaalis pa dito.

Lahat ng pinto, bintana, at butas man 'yan ay hinding-hindi na ako makakalabas pa dahil hinarangan niya. Tinakpan niya ang mga butas, nakakandado lahat ng pinto, nilapatan niya ng mga kahoy ang mga binta sa taas man 'yan o sa ibaba. Para akong nasa isang kahon at kahit kailan man ay hindi na matatagpuan nino man.

"Kahit ilang beses ko pang i-kwento ang bagay na ito ay hinding-hindi niya naman ako matatandaan." panimula niya. Mukhang sumang-ayon na rin siya.

"Sino? Mukhang may iniibig ka na ah? Bakit hindi mo na lang siya itali dito at ako na lang ang pakawalan mo?" singit ko sa salitang iyon.

"Hahaha, hinding-hindi ko iyon gagawin. At mas lalong hinding-hindi na kita pakakawalan pa." sabi niya.

Win Back The CrownNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ