Chapter 20: The Man in the Mask

2.6K 85 2
                                    

Disha's POV

"Anong kailangan mo?" matalim kong tinignan si Lady Violet. Ano na namang kailangan niya?

"Wala naman, Kamahalan. Maaari bang maupo sa iyong tabi? Nais ko lamang sana kayong makilala ng husto." sagot niya. Hinayaan ko lamang siyang lumapit sa akin. Wala akong panahon para makipag-usap sa tulad niya. Maraami pa akong dapat unahin lalo na ang biglaang pagkawala ni Haya.

"Nabalitaan ko ang mga nangyari, nawawala ang iyong tagasilbi? Bakit mo pa pinag-aaksayahan ang mababang tulad no'n? Wala sila sa antas ng katayuan natin kaya 'wag ka ng mag-aksaya ng lakas." nag-iba ang timpla ko kaya marahas ko siyang hinawakan sa pisngi.

"Tumahimik ka! Binigyan ba kita ng pahintulot na lumapit sa akin at pangunahan ako sa mga bagay-bagay? Ano bang akala mo sa sarili mo? Sa tingin mo ba mas mataas ka pa sa lahat para maliitin mo ang mga kagaya nila? Hindi ba't sa pinapakita mo eh mas mababa ka pa kaysa sa kanila? 'Wag kang hipokrito. Wala kang pinagkaiba sa dumi." matigas kong saad sabay waglit ko sa kaniyang mukha.

Aalis na sana ako nang bigla niya akong hinawakan ng marahas sa aking braso. Tinignan ko siya ng masama.

"Bitiw." tipid ngunit may banta sa tono ng boses ko.

"Ang akala mo ba hindi ko nakita at narinig ang mga sinabi mo? Huh! Didiretsohin na kita." bigla akong kinabahan nang lumapit siya sa akin upang bumulong.

"Alam kong nagdadalang-tao ka, Kamahalan." bulong niya. Napasinghap ako sa sinabi niya. Hindi ko maiwasang manginid sa kaba dahil hindi pwedeng may ibang makaalam ng pagbubuntis ko.

"P-Paano mo nalaman?" nauutal kong tanong.

"Hahaha! Kung gano'n tama nga talaga ang mga narinig ko na nagda—" agad ko siyang pinutol. Muli kong hinawakan siya sa kaniyang pisngi ng sobrang higpit. Wala akong pakialam kung madurog man ang panga niya. Sawang-sawa na ako sa pagmumukha ng babaeng 'to. Subukan niya lang pagbantaan ako gamit ang batang ito mapapatay ko na talaga siya.

"Subukan mo lang ipagkalat ang tinatago ko, walang matitira sayo. Tandaan mo anak pa rin ng Hari ang dinadala ko kaya manahimik ka kung gusto mo pang mabuhay. Kapag may ginawa kang hakbang laban sa aming lahat wala akong ititirang awa para sa inyo ng pamilya mo. Tumino ka kung ayaw mong mangyari ang mga bagay na iyon." pagbabanta ko sa kaniya.

"Subukan mo lang ipaalam sa Hari ang dinadala ko, ikaw rin ang magsisisi sa huli." dugtong ko.

"Anong nangyayari dito?"

Nanlaki ang mga mata naming dalawa nang marinig namin ang boses ng Hari. Agad ko ring hinaksi ang pagkakahawak ko sa pisngi nito nang makalapit na ang Hari sa amin.

"Anong nangyayari dito? Naririnig niyo ba ako? Bakit mo sinasaktan si Lady Violet, mahal na Reyna?" sunod-sunod niyang tanong. Wala naman siyang narinig hindi ba? Hindi niya dapat malaman ang pagdadalang-tao ko. At mas lalong hindi dapat mabuo ang bata.

"Mauna na ako." umiwas lamang ako ng tingin nang magtama ang mga mata namin.

"Saan ka paroroon, Kamahalan?" tanong nito. Hindi ko na ito sinagot dahil nagsimula na akong lumakad palayo. Kahit mali ang gagawin ko hindi niya pa rin pwedeng malaman. Ang mga bagay na tulad nito ay dapat manatiling lihim.

Tama ba ang gagawin ko? Tama ba talaga ito? Ano bang dapat kong gawin, mahal na Reyna?

Haya's POV

"Kumain ka na." utos ni Ginoong nakamaskara. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatago. Sa pagkakaalala ko siya yung lalaking inutusan para dakpin ako at dalhin sa kanilang pinuno, pero bakit gano'n? Anong dahilan at hindi niya pa rin ako dinadala roon para mamatay sa kamay ng kaniyang pinuno? Tapos ngayon naman bumabalik ang mga bandidong matagal ng naghahabol sa amin ni Weyla.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now