Chapter 4: She's The Headline

5K 250 13
                                    


"Kamahalan, narito na po ako upang mag-ulat." saad niya sa kamahalan at nagbigay pugay ito sa kaniyang kamahalan.

Gabi na at oras na ng pagpapahinga pero nagtatrabaho pa rin ang kaniyang kamahalan. Nalalapit na kasi ang pista ng masiglang ani kaya pinaghahandaan na nila ito. Malaki at sagrado ang pistang gaganapin dahil ito ay muling pagtititipon ng kaniyang mga nasasakupan para magdiwang sa masaganang ani ngayong taon. Sa pistang iyon ay hihiling ang Royal Family at ang nasasakupan nito na biyayaan sila ng biyaya. Hihiling silang umulan upang mas lalong yumabong ng husto ang mga aanihin pang mga ani.

"Simulan mo na." saad nito habang patuloy na nagbabasa ng mga talaan ng buwis.

"Mahimbing na pong natutulog ang mahal na Reyna, Kamahalan. Ngunit kanina lamang po ay nasangkot ito sa gulo," seryosong napatingin ang mahal na Hari sa Heneral.

"Anong gulo ito?" tanong nito.

"Kamahalan, nilublob po ng mahal na Reyna ang ulo ng anak ng kanang-kamay ng ministro. Pinagbantaan niyang gagawing alipin ang lahat ng naroroon at tatanggalan ng kayamanan hanggang sa maghirap ang mga ito." nagsalubong ang dalawa nitong kilay dahil sa hindi kapanipaniwalang pangyayari.

"Sigurado ka ba riyan? Ano't ang lakas ng loob niyang manghamon? Hindi niya ba alam kung anong ginawa niya? Ano ba talagang nangyari?" galit na tanong nito. Kahit papano ay nag-aalala pa rin ito.

"Pinag-uusapan po kasi nila ang kamahalan ng kung ano-ano, kaya hindi na po napigilan ng mahal na Reyna ang magalit at harapin ang mga ito. Gumamit pa siya ng ibang lengguwahe mula kanluran habang nilulublob ang ulo ng anak ng kanang-kamay ng ministro sa ilog dahil sa inis. Sumagot din po kasi ito ng pabalang at pinagmataasan ang mahal na Reyna. Nawalan po ito ng galang kaya nararapat lamang ang kaniyang ginawa sa babaeng iyon, Kamahalan." paliwanag nito.

"Kung gano'n ipatawag ang lahat ng sangkot sa kagulahan bukas na bukas rin." utos ng Kamahalan kaya agad na sumang-ayon ang Heneral.

"Masusunod po, Kamahalan." saad nito at nilisan na ang silid ng kaniyang Kamahalan.

Naiwan namang puno ng pagtataka dahil hindi pa rin ito makapaniwala sa mga nangyari. Hindi niya inaakalang magagawa iyon ng Reyna niya dahil hindi iyon ang pagkakakilanlan niya.

"Ano bang ginagawa mo?" saad niya habang sinasariwa ang dati nilang alaala pati na rin ang gabing muli niyang nakasama ang kaniyang asawa. He still love her no matter what happened from the past. And he still hoping that everything were all lies.

Disha's POV

"Kamahalan! Gumising na po kayo! Kamahalan!"

Napairap ako sa ere nang dahil sa sigaw ng batang si Weyla. Ano ba naman 'tong batang 'to at ang ingay? Inaantok pa ako eh!

"Ano na naman ba 'to at inabala mo ko aking pagtulog?" inaantok kong tanong habang nakaupo ako sa kama ko.

"Kamahalan, patawad po pero kailangan niyo pong malaman ang balita ko!" atat niyang saad.

"Ano ba kasi 'yan?" tanong ko.

"Kamahalan, habang nasa palasyo po ako narinig ko pong pinag-uusapan po ang tungkol sa nangyari kahapon sa may ilog." sagot niya na ikinagulat ko rin.  Muntikan na akong mahulog sa kinahihigaan ko dahil sa balita niya. Paktay. Kapag nakarating 'to sa Hari lagot ako nito.

"Ano ulit ang sabi mo?" taranta kong tanong.

"Kamahalan, usap-usapan na po kayo sa loob ng palasyo!" sagot niya. Mas lalong lumaki ang mata ko.

Napatingin kami sa kung sinong dumating. Si Haya lang pala.

"Anong nangyari? Saan ka nagtungo?" tanong ko.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now