Chapter 19: Haya

2.8K 105 0
                                    

Third Person's POV

"Weyla?" tawag pansin ni Disha kaya agad itong lumapit sa kaniya.

Kasalukuyan silang namamahinga ngayon dahil gabi na. Matapos ang mahabang pag-iikot sa palasyo ay agad din silang nagpahinga matapos kumain ng hapunan.

"Ano po iyon, Kamahalan?" tanong nito.

"Nasaan na nga pala si Haya?" tanong niya sa bata.

"Hindi ko po alam kung nasaan na siya, Kamahalan. Kanina ko pa nga po hinahanap iyon eh." sagot niya.

"Wala ba siyang binanggit kung saan siya pupunta? Nagpaalam kasi siya sa akin kanina na magbabanyo lamang siya saglit. Hindi ko naman inaasahang may pupuntahan pa siyang ibang lakad." saad ni Disha na nag-aalala na rin sa kalagayan ni Haya at gano'n din ang batang si Weyla na mas doble ang pag-aalala para sa kaniyang kapatid.

"Nag-aalala na rin po ako, Kamahalan. Hindi naman po siya gano'n at nagpapaalam naman po iyon kung may iba pa siyang pupuntahan. Ngayon lang po nangyari ang bagay na ito." nag-aalalang saad ni Weyla. Napatayo na lamang ang dalaga.

"Hindi naman kaya may masama ng nangyayari sa kaniya? Pero 'wag naman sana." puno pa rin sila ng pag-aalala. Maghahating-gabi na pero wala pa in ang batang si Haya.

"Ahm...ganito na lang." hinarap niya ang bata.

"Ano pong gagawin natin, Kamahalan?" tanong nito.

"Magpahinga ka na muna at bukas na lang hahanapin na natin ang kapatid mo. 'Wag kang mag-alala, ha? Makakauwi rin ng ligtas si Haya. Isipin mo na lang na may kakilala siyang pinuntahan kaya natagalan siya sa pag-uwi. Bukas na lang natin siya ipapahanap, ha? Magpahinga ka na dahil lumalalim na ang gabi." sabi niya habang hawak-hawak ang mukha nitong malambot upang mapagaan ang nararamdaman ng bata.

"Sige, po." sagot ng bata habang matamis na nakangiti. Isang yakap na lamang ang ginawad ng dalaga sa bata bago niya ito pinalabas upang magpahinga.

Maluha-luha namang naglalakad si Weyla. Kahit na alam niyang wala na ang totoong Reyna ramdam niya pa rin ang pagmamahal nito para sa kanilang magkapatid. Nami-miss na niya ito, ang namayapang Reyna pati na rin ang mga hindi niya matandaang magulang. Nangungulila na siya gaya ng kapatid niya.

"Habulin niyo!"

"Wag niyong papatayin kailangan pa natin siya ng buhay."

"Nasaan na sila?!"

"Nandoon!"

Tagaktak na ng pawis ang dalawang nilalang na hinahabol ng mga lalaking naka-itim na kasuotan na may dalang mga matatalim na sandata. Walang kaalam-alam ang dalawa kung bakit sila hinahabol ng mga ito.

"Anong dahilan at hinahabol ka ng mga lalaking iyon?" tanong ng lalaking naka-half mask kaya hindi ito mamukhaan ng maayos ng dalaga, na walang iba kung hindi si Haya.

Hindi man lang makasagot ang dalaga dahil sa takot at pangamba na baka ano mang oras ay hindi na ito makabalik ng palasyo. Matapos siyang habulin ng lalaking nakamaskara para dakpin, ngayon naman ay sabay silang tumatakbo palayo sa mga lalaking naka-itim na handang tapusin ang kanilang mga buhay sa hindi nila malamang kadahilanan.

Napatingin ang dalaga sa kaniyang kanang kamay na kanina pa hawak-hawak ng binatang nakamaskara. Pinisil ito ng binata upang bumalik ito sa ulirat. Napatingala na lamang si Haya.

"Anong kailangan nila sayo?" pag-uulit na tanong ng binata. Napakurap-kurap ito ng ilang beses. Wala na siya sa kaniyang huwisyo dahil sa ala-alang bumabalik sa kaniya noong mga bata pa sila ng kaniyang kapatid na si Weyla. Ang mga pangyayaring ayaw na niyang balikan.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now