Chapter 13: Preparation

3.3K 119 1
                                    

Disha's POV

Bukas na ang pagdiriwang ng kaharian at kakatapos ko pa lang gumawa ng damit na susuotin ko para bukas. Kumuha lang ako ng iilang damit ng Reyna at binago ko ito. Katulong ko sa paggawa ang mga bata nang makauwi sila galing sa bahay ng batang si Xu'en kanina. Halatang nagulat sila nang magkwento ako sa kanila patungkol sa kung paano kami nagkakilala ng bata. Masaya naman sila dahil sa wakas ay nagkita na rin ang Reyna at ang anak nito.

Pero may isa pa akong kailangang gawin. Magiging walang kwenta ang lahat ng ginawa ko kung hindi ako pwedeng tumapak sa loob ng palasyo ng Hari. May hidwaan pa kaming dalawa at iyon ang hindi ko pa maintindihan sa kaniya. Ano bang ginawa kong mali? Mali bang iwan muna siya saglit para humingi ng tulong? Para mailigtas ang buhay niya? Mali ba iyon? Pero bakit siya nagagalit sa akin na parang ang laki ng kasalanan ko?

"Kamahalan, narito po si Heneral Chu." napatayo ako sa balita ni Haya.

"Bakit daw? Anong kailangan niya?" tanong ko. Ilang araw ko rin siyang nakita baka it's time for me to thank him para sa mga ginawa niya para sa akin. He  saved me anyway.

"Hindi ko po alam kung anong dahilan pero nais niya po kayong makausap ng pribado, Kamahalan." sagot niya. Tumango na lamang ako.

"Sige, papasukin mo siya." utos ko. Aalis na sana siya nang sumagi sa isipan ko ang maaari kong pambawi sa Heneral, kaya muli ko siyang tinawag.

"Ano po iyon, Kamahalan?" tanong sa akin ni Haya.

"Nais ko sanang ihanda mo ang mga sangkap na niluluto ko para kay Xu'en, maaari ba? Gusto ko sanang gawan ng pagkain ang Heneral bilang gantimpala sa kaniyang kabutihan." pakisuyo ko. Isang natamis na ngiti ang kaniyang pinakita sa akin bilang tugon.

"Maaasahan niyo po kami, Kamahalan." sagot niya. Ngumiti ako sa kaniya at pinauna ko na siya.

Sa paglabas ni Haya siya namang pagpasok ng Heneral. Nagkatinginan kaming dalawa. Well, he's really is a handsome young General. Come on, Disha? You already have a husband.

"Maupo ka." saad ko.

"Kamahalan, magandang gabi." bati niya at umupo na nga siya. Mga ilang minuto pa ang lumipas saka ko pa binasag ang katahimikan. Like—naiilang siya!

Okay. Okay. Now I know that awkward vibe earlier. I think this man...if I'm not wrong? This guy love the Queen. I know that kind of feelings. Alam mo yung hindi mo masabi sa taong mahal mo yung totoong nararamdaman mo? Alam ko ang pakiramdam na iyon. We're just in the same. Pffftt, ang dali niyang basahin. Kaya ba siya gano'n kung mag-alaga? Ang hirap naman ng sitwasyon niya. Loving the person you can't have 'cause you're not meant to be in the first place.

"Ano nga palang sinadya mo dito?" tanong ko.

"A-Ah, nais iparating sa ng Kamahalan na dumalo po kayo sa pagdiriwang bukas. Binibigyan niya po jayo ng pahintulot na lumabas ng inyong tirahan para po sa kapakanan ng mga mamamayan ng kaharian." sagot niya. Isang malaking pagkakataon. Buti na lamang at naisipan ng Hari na maari na akong dumalo.

"Maraming salamat at nag-abala ka pang magtungo rito upang sabihin ito sa akin." muling kaming natahimik. I really hate this kind of scenario parang ako talaga siya. Everytime kapag nagkakasama kami ng mga kaibigan ko kasama yung lalaking gusto ko, sinasadya talaga akong iwan ng mga kaibigan ko sa taong iyon at ang awkward talaga.

Nabasag ang aming katahimikan nang dumating si Weyla. Sabay pa kaming napatingin sa kinaroroonan ni Weyla na siyang ikinahinto nito. Mukhang hindi niya alam na nadito ang Heneral.

"K-Kamahalan? P-Paumanhin po, Kamahalan, hindi ko po sinasadya. Akala ko po kasi mag-isa lang po kayo." paumanhin niya. Napangiwi na lamang ako.

"Wala iyon. Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now