Chapter 12: Xu'en's Father

3.4K 136 5
                                    

Disha's POV

Naniningkit pa rin ang aking mga mata habang pinagmamasdan ang dalawang lalaking nasa aking harapan na sarap na sarap sa aking niluluto. Well, isa lang namang bata at matanda. Sino pa nga ba? Si Xu'en at Hyun lang naman. Nakakapagtaka lang, paanong magkakilala sila? Hmm...sabagay nasa iisang palasyo lang nga pala sila. O di kaya mag-ama sila? Pero nabanggit sa akin ni Xu'en na nakakatakot daw ang ama nito.

"Mag-ama ba kayo?" biglaan kong tanong na siyang ikinabilaok nito. Napangiwi na lamang ako. Tama, mali ako ng hinala na mag-ama sila.

"Pasensya na." despensa ko habang patuloy na hinahagod ang likuran nito.

Nang makahinga-hinga na ito binaling niya sa akin ang kaniyang atensyon.

"Saan naman nanggaling ang tanong mong 'yan?" singhal niya.

"Pasensya na talaga, Ginoong Hyun. Gusto ko lang malaman kung paano kayong dalawa nagkakilala. Malayo rin namang mag-ama kayo." paliwanag ko.

"Sana 'yan na lang ang tinanong mo. Ginulat mo naman ako." sabi niya. Mukhang nagalit ko ata siya.

"Pasensya na talaga." hingi ko ng tawad.

"Anong magagawa ng paghingi mo ng tawad kapag natuluyan ako?!" sigaw niya sa akin. Paktay. Nagalit ko talaga siya. Pati si Xu'en ay nagulat rin sa pagsigaw niya.

"Pasensya na." hingi ko pa rin ng tawad.

Mariin akong napapikit nang akma niya akong pagbuhatan ng kamay. Pero ilang segundo na ang lumipas ay wala namang dumampi sa katawan ko.

"Binibining Disha, hindi kami mag-ama. Imulat mo na 'yang mga mata mo, hindi ko gagawin ang bagay na iniisip mo." malumanay na saad nito habang marahan niyang hinahaplos ang buhok ko. Kaya dahan-dahan akong napamulat.

Tumibok ng mabilis ang puso ko. Hindi ko inaasahang sobrang lapit niya pala sa akin. Konting tulak baka magkahalikan na kami sa sobrang lapit niya. Pati ako naduduling na. Nangangamatis na ata ako sa kaniya.

Matamis siyang ngumiti at saka siya bumalik sa kaniyang kinakain. Habang ako naiwang tulala at hindi makapaniwala. Napaka-sweet talaga ng ugali niya hindi tulad sa isa na 'yon kulang na lang tubuan ng sungay. Kung hindi lang siya mahal ng Reyna baka tinarayan ko na 'yon.

"Kung may nais ka pang malaman magsabi ka lang." malumanay nitong saad.

"Ah-ahmm... A-Ano..." pati ako nauutal na. Gosh, kaya 'wag kang magtitiwala sa damdamin mo. Wala ka pang karanasan, Disha. Wala ka pang alam. Hindi mo alam kung anong kahulugan ng salitang "pag-ibig" dahil hindi mo pa nararanasan ito. Tandaan mo, 'wag kang magtitiwala sa pag-ibig dahil ito lang ang kikitil sayo. Baka mangyari rin sayo ang kinahantungan ng pagmamahal ng Reyna para sa isang lalaking walang kwenta. Too much love will kill you ika nga.

"Hindi ko inaasahang tatalab ang kagwapuhan ko sayo, Binibining Disha." sabi niya.

Napa-poker face na lamang ako. Okay na sana eh, kaso sumobra siya ng konti. Hindi ko inaasahang may ganitong ugali din siya.

"May sinasabi ka ba?" seryoso kong tanong. Bumalik na lamang ito sa kaniyang ginagawa. Pfftt! Ang cute niya talaga. Hindi ko inaasahang magiging stress reliever din pala 'tong lalaking 'to. Mukhang okay na ako maliban na lang dito sa nananakit ko pa ring leeg dahil sa pagkakasakal ng lalaking 'yon.

"Biro lang. Nga pala, paano mo nalamang nandito nandito ako?" tanong ko. Muli siyang lumapit sa akin at bumulong.

"Nakita kitang pumasok dito sa loob. Eh ikaw, bakit ka nandito, Binibini?" bulong nito sa akin.

"Ahm-eh…napadalaw lang. Sinandya ko talagang pumunta dito para makabawi sa ilang araw kong hindi pagpapakita. Naaalala mo pa ba yung ginawa ko kay Xu'en no'ng nakaraang ilang araw? Ibibigay ko sayo ng libre ang mga sekretong sangkap na ginagamit ko." sabi ko. Para siyang tutang sumunod sa akin. Ang cute talaga.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now