Chapter 11: Xu'en

3.5K 155 31
                                    


*Slap*

Dumagondong sa loob ng silid ang paglapat ng kamay ng ama ni Lady Violet dahil sa pagkadismaya. Galit na galit nitong tinignan ang kaniyang anak dahil sa nabalitaan nitong pangyayari. Galing pa ito sa pakikipagtransaksyon sa Hari ng Kanlurang Kaharian. Hindi nito inaakalang bubungad sa kaniya ang ganitong balita.

"Isa kang malaking kahihiyan! Ano sa tingin mo ang iyong ginagawa?! Hindi ba't sinabi ko sayo na ayusin mo ang mga ginagawa mo?! Ano na naman 'tong kahihiyang makakarating sa akin?!" galit nitong turan sa kaniyang anak.

"P-Pero… Ama, gumanti lamang ako. Sinaktan ako ng babaeng 'yon. Hindi ko naman inaasahang magbabago ang ugali niya." paliwanag nito. Napasinghap siya nang marahas siyang hinawakan ng kaniyang ama ang kaniyang pisngi.

"Ano? Hindi mo inaasahang sasaktan ka ng Reyna? Nasaan na ba ang isipan mo at hindi mo ginagamit? Reyna ang kaharap mo at kaya niyang gawin ang lahat ng naisin niya!" saad nito habang gigil na gigil na pinipiga ang pisngi ni Lady Violet.

"Alam mo ba kung anong mas magandang paghihiganti ang dapat mong atupagin? Kunin mo ang posisyon ng Reyna at doon mo gawin ang lahat ng naisin mo sa kaniya!" saad nito sabay wagsi sa pisngi ng kaniyang anak. Napasalampak tuloy ito sahig.

"Ama, ginagawa ko naman ang tungkulin ko, 'wag po kayong mag-alala." saad ni Lady Violet.

"Manahimik ka. Pasalamat ka at umaayon ang lahat sa plano. At isang malaking tulong na rin ang ginawa ng Hari. Huh! Ngayong hindi na maaaring pumasok ng walang paalam ang Reyna sa Hari magiging madali na lang ito para sayo na akitin muli ang Hari. Sa lalong madaling panahon kailangan mong magdalang-tao na. Nais kong isilang mo ang magiging tagapagmana ng bansang ito." saad ng ama ni Lady Violet. Napatingin tuloy ito.

"Paano ang anak ng Hari?" tanong niya.

"Ako na ang bahalang magdispatsa sa paslit na iyon.  Madaling trabaho lang naman iyon kaya hayaan muna natin itong magpakarasap dahil nalalabi na ang oras nito." saad nito sabay tawa niya na parang nababaliw na sa dami ng pinaplanong masama.

Wala silang ibang iniisip kung hindi ang makuha ajg trono ng Reyna at maghari ang kanilang angkan sa buong kaharian. Lahat gagawin nila para lamang makuha ito.

Disha's POV

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyari. Talagang sinakal niya ako. Magpahanggang ngayon namumula pa rin ang markang iniwan niya. Bakit bigla siyang nagalit? Hindi ko naman siya inaano. Tapos paghihigpitan niya ako dahil lang sa ginawa kong pagsugod sa dalawang bruhang babaeng 'yon?  Tapos hindi man lang niya ako pinagtanggol. Tapos inuna niya pa ang babae niyang gamutin kaysa sa akin na asawa niya at Reyna ng bansang ito. Akala ko ba kailangan niya ako? Akala ko ba mahal niya ako? Akala ko ba ako lang?

"Haha! Mali nga pala."

"Kamahalan, ayos lang po ba kayo?" tanong ni Haya.

Tumango ako habang nakangiti ng pilit. 'Wag kang magpapadala, Disha. Tandaan mo, hindi ikaw ang Reyna at nagpapanggap ka lang. Hinding-hindi mapupunta sayo ang mga bagay na impossibleng mangyari. 'Wag kang mahuhulog.

"Yeah, tama..." bulong ko. Hinding-hindi mo pa nararanasang ma-in love ng totoo. Hindi mo pa alam kung ano bang pakiramdam ng totoo sa hindi kapag nagmahal ka. Tandaan mo, naninibago ka lang sa lahat at nadadala ka lang sa mga nangyayari. At hindi mo buhay 'to. Ang lahat ng ito ay hindi sayo.

"Kamahalan, tapos na po ako. Maari na po ba akong umuwi? 'Wag po kayong mag-alala dahil babalik din sa dati ang lahat, Kamahalan. Manalig lang po tayo. At naniniwala po akong mapagtatagumpayan niyo po ito." saad ni Haya. Ngumiti na lamang ako.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now