Chapter 9: Painful Night

4.3K 167 7
                                    


Disha's POV

"Ginoong Hyun?!" sigaw ko. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko siya inaasahan. "Ginulat mo ko!" sigaw ko.

"Pasensya na! Aaahhhh!" pamimilipit nito. Nasa lupa pa rin ito namimilipit sa sakit.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Pasensya na rin ginulat mo kasi ako. May patakip-takip ka pa ng bibig. Kainis ka! Halos atakihin na ako sa gulat. Ano ba kasing ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" tanong ko.

Napa-upo siya ng matuwid sabay kamot ng kaniyang ulo.

"Ahh...hehe, parang gano'n na nga?" saad nito.

"Ha? Bakit? 'Wag mong sabihin sa akin na kanina mo pa ako sinusundan?" tanong  ko.

"Gano'n na nga? Nakita kasi kita kanina sa loob ng palasyo. Tapos may kasama ka pang batang maliit at dinala mo siya sa may ilog tapos doon mo siya ginawan ng pagkain. Gusto ko lang malaman kung anong tawag mo doon sa niluto mo? Pwedeng gawan mo rin ako? Hmm? Gusto ko ring kumain no'n, Binibining Disha." sabi niya. Napasa-facepalm na lamang ako. Putek. Dahil lang sa niluto ko halos mamatay na ako sa gulat. Kung hindi ka lang cute ngayon tignan baka kanina ka pa tinakasan ng ulirat.

"Maaari ba, Binibini?" tanong nito. Napabuga na lamang ako ng hininga sa kawalan bago ko siya hinarap.

"May sangkap ka ba?" tanong ko.

"Wala pero meron sa kusina, ano bang kakailanganin natin?" tanong nito.

"Simple lang naman. Kailangan mo ng…" ibinigay ko sa kaniya ang mga sangkap na kakailanganin. Panay sulat naman siya sa kaniyang papel. Wow, handa ah.

"Sige, kukunin ko 'to agad. 'Wag kang aaalis, ha? Babalik din ako agad, Binibini. Pasensya ka na talaga kung masyado akong abala." saad nito.

"Wala 'yon. Sige, magkita na lang tayo sa may ilog. Tutal doon din naman ang dadaanan ko pauwi. Sige na, baka maabutan tayo ng gabi sa daan." sabi ko.

"Salamat, Binibini. Bibilisan ko 'wag kang mag-alala." saad nito at umalis na siya. Napabuntong-hininga na lamang ako.

Nagpatuloy na ako sa aking paglalakad patungo sa ilog. Sa tingin ko alas singko na ng hapon. Padilim na rin kasi ang langit. Buti na lang at hindi masyadong maulap kaya tanaw pa ang sinag ng araw mula sa east side. Wag lang talaga kami maabutan ng gabi o ulan baka mawala ako sa daan.

Muli akong napabuntong-hininga dala na rin ng pagod ko sa pagbubuhat kay Xu'en. Kahit apat na taon palang ang batang 'yon ang bigat. Ang cute niya at ang saya niyang kasama. Para bang nakikilala siya ng pusong 'to dahil feeling ko sobrang lapit ko sa kaniya. Nakakagaan lang ng pakiramdam. Tsaka namumukhaan ko talaga siya sa isang tao pero di ko lang makita sa isip ko kung sino.

Napangiti na lamang ako sa kawalan. Mukhang nagugustuhan ko na ang panahong ito.

Nandito na ako sa ilog. Medyo nagiging maulap ang langit mukhang uulan pa ako. Ba't biglaan naman ata? Kanina lang...sabagay mahangin nga pala.

Tumayo ako malapit sa may ilog. Habang naghihintay ako sa pagdating niya naglaro lang muna ako para malibang sa pagkabagot. Palayuan ng pagbato ng bato hindi naman masama.

"Psh! Lakasan mo pa, Disha! Ang hina mo naman." pagpapanggap ko bilang si Pia. Ilang linggo na rin ako dito ano na kayang nangyari sa kanila? Nami-miss ko na silang lahat. Lalo na ang mga magulang ko, ano na kayang ginagawa nila? Sana hindi sila nalulungkot sa pagkawala ko. Kahit na pasaway ako dati hindi naman ibig sabihin no'n ay hindi ko na sila mahal. Sa totoo lang mahal na mahal ko sila.

Napasinghap ako nang may kung sinong yumakap sa akin mula sa likod. Teka sino 'to? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Anong gagawin ko?

"I miss you..."

Win Back The CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon