Chapter 30: The Plan

1.8K 67 4
                                    

Disha's POV

Madaling araw na ng umaga nang tuluyan na nga akong nakalabas ng silid na tinutulugan namin ng mahal na Hari. Sabay kaming nagpahinga kanina kaya alam kong mahimbing ang tulog niya. Ramdam ko rin ang pagod niya dahil sa responsibilidad niya bilang isang Hari kaya hindi man lamang siya nagising. Mainam na rin ito para sa amin ni Lady Violet na ganitong oras ako magtutungo sa tirahan niya. Sana lamang ay gising pa siya. Napaidlip kasi ako kaya umabot ako ng madaling araw.

Tahimik lamang ako sa pagbaybay ng daan. Tulog na ang lahat pero meron pa ring mga kawal na nagbabantay sa gabi. Pero hindi ko na iyon pinapansin dahil hindi naman nila ako mapapansin sa suot kong itim idagdag mo pa ang madilim na paligid kaya ayos lamang. Para tuloy akong ninja.

Nagmasid muna ako sa paligid nang wala naman akong nakitang tao sa paligid ay agad na ako pumasok sa bakuran ni Lady Violet. Walang nakambantay sa paligid at wala rin dito ang mga tagapagsilbi niya. Kaya nagkaroon ako ng tyansa na makapasok sa silid niya agad-agad.

Napakurap-kurap ako nang biglang manlamig ang likuran ko, nagsitayuan din ang mga balahibo ko a braso.

"Ooh? Buti naman at nagpakita ka na! Kamahalan?" napangiwi na lamang ako sa kaniya. Anong ginawa niya? Ang lalim at ang itim ng ibabang mata niya. Napataas na lamang ako ng aking kamay para pakalmahin siya ng kaunti.

"Ah-hehe...pasensya na nakaidlip ako eh." paliwanag ko.

"Nakaidlip? Paano naman ako na pinuyat mo kakahintay sayo, Kamahalan?" para na siyang puputok na bulkan sa sobrang galit niya sa akin pero nagtigimpi pa siya sa lagay na 'yan ha, mahirap na baka mabuko pa kami.

"Pasensya na po!" saad ko sabay ngisi. Inirapan niya lamang ako at wala na siyang nagawa kung hindi ang magtimpi at umupo sa sahig. Sumunod na rin ako sa kaniya. Magkaharap na kami ngayon at biglang nag-iba ang hangin sa paligid. Naging seryoso ang mukha niya.

Napatingin ako sa nilapag niyang papel. Mukhang ito na ang tinutukoy niyang sulat na nais niyang iabot ko sa Heneral. Ano bang meron sa sulat na ito?

"Anong nakasulat? Bakit sa Heneral pa talaga?" tanong ko. Medyo naku-curious na talaga ako sa kaniya.

"Maaari mong itanong sa Heneral ang mga nasa isip mo ngayon. Hindi ko rin alam ang nasa loob. At tsaka hindi ko rin matanggihan ang babaeng iyon dahil kaibigan ko siya." sagot niya.

"Ah gano'n? Kapag yung babaeng iyon di mo matanggihan pero 'pag ako nagdadalawang-isip ka pa d'yan na tulungan ako. Eh ba't ako inuutusan mo d'yan kung pwede ka namang magpatawag ng tagapagsilbi para sila na lamang ang maghatid ng sulat na ito sa Heneral?" pagmamaktol ko. Wow ha! Ako pa talaga ginawang messenger kung pwede lang din namam niyang utusan ang mga alagad niya.

"Hindi ko pwedeng gawin iyon. Matalim ang mata ng aking ama at walang sino man dito sa paligid ang mapagkakatiwalaan ko maliban sayo. Protektado ka ng mahal na Hari at walang sino man ang makakapanakit sayo ngayong nagbago na ang Hari. Ikaw lamang ang maaasahan ko sa bagay na ito. Kaya makakaasa kang matutulungan kita sa nais mo." sabi niya. Halata sa boses niya ang lungkot. Hindi ko tuloy maiwasang hindi ma-guilty. If those rumors about her that she is not that bad at all, I will believe it. I'm not numb. I can feel her sincerity.

"Sige, makakaasa ka rin. Hindi naman ako masamang tao para hindi ka rin tulungan. Ahm, ano na ang plano? Dahil nauubusan na tayo ng oras." sabi ko.

Isang tango bilang tugon ang kaniyang pinakita sa akin. Hindi na nga kami nagpaligoy-ligoy pa nang abutin ko na ang sulat na nais niyang ihatid ko sa Heneral. Nagsimula na nga siya sa plano.

"Nagbigay na ako ng abiso sa aking kapatid kahapon. Ipinaalam ko sa kaniya na may susunduin siyang importanteng tao bukas sa may tarangkahan ng palasyo. Alam na niya kung ano ang ipinaparating ko kaya alam kong darating siya bukas ng gabi. Hindi rin tayo mahihirapan sa paglabas dahil nabalitaan kong may darating na panauhin ang kaharian sa susunod na araw. Natitiyak kong magiging abala ang kaharian bukas. Iyon ang magiging dahilan natin para makalabas tayo nang hindi nila tayo mapapansin. Gagawin nating rason ang pagbili ng kasuotan na susuotin ko. At ikaw ay magiging dadalhin kong alalay. Pagkatapos ay iiwan na kita sa aking kapatid. Ako na ang bahalang magdahilan kung sakaling hanapin ka nila sa akin. At ikaw na rin ang bahalang umuwi dito." sabi niya.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now