Chapter 23: Outside The Palace

2.2K 78 0
                                    

Disha's POV

Nasa'n ako? Bakit parang pamilyar ang lugar na ito? Saan ko ba ito nakita? Sandali... Teka nakita ko na ito eh.

"Nasa panaginip ba ako?"

Napasinghap ako nang mapagtanto kong nagbalik na naman ako sa aking panaginip kung saan ko nakita ang puting liwanag na kumausap sa akin. P-Pero...anong nangyari? Ba't ang dilim? Nanginginig din ang aking katawan dahil sa malamig na hanging umiikot sa paligid. Sa sobrang lamig tumatayo na rin ang mga balahibo ko. Anong nangyayari?

"Time is running, better say goodbye now." nangilabot ako nang may kung sinong nagsalita mula sa aking likuran. Napasinghap ako nang may humawak sa aking balikat kaya agad akong napalingon.

Nanlaki ang aking mga mata nang may kung sinong nilalang sa aking harapan. Napasalampak ako at dahan-dahan akong napapaatras nang dahil sa takot.

Isang babaeng naliligo sa sarili nitong dugo. Puno ito ng latay ng latigo. Ang dami niyang pasa at sugat sa buong katawan niya. Mahaba ang buhok niya kaya natatakpan nito ang kaniyang hubo't hubad niyang katawan. Nanlilisik ang kaniyang mga mata at ano mang oras ay makakalapit na ito sa akin.

"S-Sino ka? A-Anong kailangan mo sa akin?" nauutal kong tanong habang patuloy lamang ako sa pag-atras. Pero hindi niya pa rin ako sinasagot. Patuloy lamang siya sa paglapit.

Napasigaw ako nang bigla na lamang siyang napunta sa may likuran ko. Bumulong siya sa akin na siyang ikinakilabot ko.

"Die..."

Gumapang ako nang mabilis. Pero dahil sa takot bumibigat ang katawan ko. Napasigaw na lamang ako nang hawak-hawak na niya ang mga paa ko. At pagkatapos ay ilang segundo lang ay napunta na siya sa harapan ko. Nakangisi lang siya sa akin habang sinasakal ako. Halos hindi na ako makahinga. Nagpupumiglas na ako. Kailangan kong huminga. Ang baby ko.

Napabulagta ako sa sahig. Makailang ulit akong umubo dahil sa pagkakasakal sa akin. Pero ang mas inaalala ko ang batang nasa sinapupunan ko…pero mas nagimbal ako nang makita ko ang buong paligid na binabaha ng dugo. Lumalalim na ang paghinga ko. Ano bang nangyayari?!

"Gumising ka, Disha!"

Napasigaw ako muli nang may humila sa akin pailalim. Wala akong makita dahil sa sobrang itim ng ilalim at nauubusan na ako ng hangin ngayon. Anong gagawin ko? Hindi ako pwedeng mamatay hangga't hindi pa ako tapos sa misyon ko.

"Aaaaaaaaaaahhhhhhh!!!"

Napabalikwas ako sa higaan habang hinahangos sa pahhinga. Hawak-hawak ko pa rin ang leeg ko habang nililibot ko ang aking paningin sa paligid. Napasapo na lamang ako sa aking noo nang magising na ako sa katotohanan. Buti na lamang at panaginip lang iyon.

"Panaginip lang iyon, Disha." bulong ko sa sarili ko.

Humiga ako muli at huminga ng malalim. Binabalikan ang mga imahe sa panaginip ko. Sino kaya ang babaeng iyon? Nakakatakot siya. Ano kayang gusto niyang sabihin? Nabanggit niya rin sa panaginip ko ito, "Time is running, better say goodbye." Alam ko namang nalalabi na ang oras ko dito pero bakit kailangan niya pa akong sakalin para mamatay?

Napahawak ako sa tiyan ko. Inaalala ko ang batang nasa sinapupunan ko. Kung darating din ang araw na babalik ako sa panahon ko ano na ang mangyayari sa mga taong maiiwan ko? Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o matutuwa dahil nga makakauwi na rin ako sa wakas. Pero makakayanan ko bang tanggapin ang lahat? Pero iyon naman talaga ang nais ko simula pa lang di ba? Pero ba't gan'to? Bakit ako natatakot?

Napansin ko ang mga luhang pumapatak sa mga mata ko. Hindi ko rin maiwasang hindi manginig. Tumagilid na lamang ako at nagtalukbong ng kumot. Magiging maayos din ang lahat. Babalik din sa dati ang lahat, Disha. At kahit kailan ay hindi ka magsisisi sa lahat ng mga nangyari. Pero kailangan mo munang ibalik sa dati ang lahat.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now