Chapter 43: Goodbye

1.5K 68 5
                                    

General Ji Wang Chu's POV 

"Gumising ka!"

Napuno ng dugo ang aking mga kamay habang sinusubukan ko siyang iupo sa aking kandungan. Hindi ako makapaniwala. P-Paano nangyari ito? Umalis lamang ako saglit dahil may kung sinong sumusunod sa kaniya. 

"Sandali, 'wag mo kong iwan. Hindi pa tayo nagkakausap ng maayos. S-Sandali! Gusing ka!" nagsisimula nang manginig ang aking mga kamay habang dahan-dahan ko siyang hinahaplos sa mukha papunta sa kaniyang labing duguan. 

Bumibigat na ang aking paghinga. H-Hindi ito maaari. H-Hindi… V-Violet… "V-Violet! Gumising ka!" tawag pansin ko. Pero hindi pa rin siya umiimik. Walang boses na lumalabas sa kaniyang bibig. Hindi na rin bumubukas ang kaniyang mga mata. H-Hindi… 

"AAAAAAAHHHHH!!!" 

Napaigtad ako. Hangos na hangos at pawis na pawis akong nagising mula sa isang bangungot. Dahil sa takot ay agad akong nagtungo sa silid ni Violet. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil ayos lamang siya at mahimbing na natutulog. 

Wala kami ngayon sa palasyo. Matapos mangyari sa kaniya ang bagay na ikinahantong niya ngayon ay dinala ko na siya sa malayo, sa mismong tirahan ko na matagal ko ng hindi nauuwian. Mabuti na lamang at hindi ako nahuli at nailigtas ko pa ang buhay niya at nang anak namin. 

Masaya ako at malayo na siya sa kapahamakan. Kailangan ko na lamang maghintay sa kaniya na magising para malaman kung ano nga ba ang nangyari sa kaniya. Hinding-hindi ko mapapatawad ang taong gumawa nito sa kaniya. 

"Panginoong Chu, paumanhin sa paggambala ngunit may panauhin po kayo." napatingin ako sa isang tagapagsilbi. Kunot-noo lamang akong nagtataka dahil wala naman akong panauhing darating. 

"Sige, hintayin mo na lamang ako sa labas." tugon ko. Lumabas na nga siya kaya nagpaalam na ako kay Violet. 

"Lalabas muna ako." bulong ko sabay halik ko sa kaniyang noo. "Babalik din ko saglit." paalam ko at lumabas na nga ako ng silid. 

Bago ako lumabas ay kinuha ko muna ang aking sandata. Dahil sa mga nangyayari ay hindi na ako nakapagpaalam sa mahal na Hari. 

Tumingin ako sa tagapagsilbi nang makalabas na nga ako. Inutusan ko kaagad siyang pagbuksan ang panauhing tinutukoy niya. 

Napasinghap ako dahil sa gulat nang bumungad sa akin ang mukha ng Hari ng silangan, Emperador Wei Jin Hang. A-Anong ginagawa niya dito? Agad akong nagbigay-galang sa kaniya. Agad niya rin akong sinenyasang tumayo ng matuwid kaya sinunod ko naman. 

"Magandang araw, Kamahalan! Tuloy kayo!" imbita ko na siyang ginawa naman nila maliban sa kaniyang daan-daang kawal na nagpaiwan sa labas. "Ano't napadalaw kayo sa aking tirahan, Kamahalan? May maitutulong ba ako?" tanong ko. 

"Isang malaking karangalan na matulungan mo kami ngayon, Heneral Chu. Sa labas may dala-dala kaming pasyente at nangangailangan kami ngayon ng matutuluyan. Maaari bang dumito muna kami ngayon?" tanong niya. Hindi naman ako nagdalawang-isip na tanggapin ang hinihingi niyang tulong. Pero nakakapagtataka lamang kung bakit hindi siya mismo nagtungo sa palasyo kung may sugatan siyang kasama. 

"Ayos lamang. Maaari kayong tumuloy hanggang sa nais niyo, Kamahalan." saad ko. 

"Salamat, Heneral. Hindi bale, gagantimpalaan kita para sa iyong kabutihan." saad niya kaya ngumiti na lamang ako. 

Nang tuluyan na nga kaming nakapasok sa loob ay dinala ko sila aking bulwagan para doon kami magkausap ng maayos. Pero habang naglalakad kami ay napansin ko ang isang pamilyar na mukha. Nakita ko ang kapatid ni Violet na si Ginoong Chiao Bei Kang. Buhat-buhat nila ang katawan nito sa higaang tabla. Hindi ko alam kung anong nangyayari at bakit niya hawak si Ginoong Chiao Bei Kang.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now