Chapter 3: In The River

5.2K 291 11
                                    


Disha's POV

"Kamahalan! Kamahalan!"

Kakatapos ko lang kumain at mukhang dumating na ata ang mga bata kong tagapagsilbi. Maaga akong nagising dahil sa sakit ng katawan ko. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pananakit ng katawan ko, pero sa tingin ko dahil sa panaginip ko. Well, it's so intense. May nangyari sa akin at ng lalaki sa panaginip ko. Medyo putol-putol na kasi ang panaginip ko and hindi na malinaw ang lahat. Basta grabe yung panaginip ko kagabi.

Dumating ng naghihingahos ang mga bata. Agad silang magbigay pugay sa akin at saka sila humarap sa akin.

"Ano bang meron at nagmamadali kayong nagtungo rito?" tanong ko.

"Kamahalan, isang malaking balita ang usap-usapan ngayon sa loob ng palasyo." panimula ni Weyla, ang pangalan ng bata kong tagapagsilbi. Naitanong ko sa kaniya kung anong pangalan niya kagabi kaya alam ko na ngayon.

Hindi sila orihinal na tagarito. Isang human trade ang nangyari at nakasali sila sa mga taong ipinagbili ng mga bandido. Walang naalala ang dalawang bata sa kanilang nakaraan dahil sampung taon at limang taon silang napadpad dito. Tanging naalala lamang nila ay isang palasyo. Hindi ko na naitanong ang ibang detalye dahil biglang sumakit ang ulo ng bata kaya maaga ko na silang pinauwi.

"Ano?" tanong ko habang nagsusuklay.

"Totoo po bang dumating dito ang mahal na Hari? May mga tagapagsilbi po kasing nakakita. Totoo po bang dito natulog ang mahal na Hari, Kamahalan?" tanong ni Haya.

Halos mabilaukan ako ng sarili kong laway. Anong pinagsasabi ng mga taong 'to? Hari? Dito? Lol. Ano namang gagawin ng isang Hari sa sirang bahay na 'to habang tulog ako? Ba't hindi ko alam 'yon? Ako na nasa loob ng bahay walang alam sa mga nangyayari?

"Sinong nagsabi? Ano namang gagawin ng Hari dito sa aking tirahan habang tulog ako?" tanong ko.

"Kamahalan, isang magandang balita 'to!" masiglang saad ni Haya.

"Ano namang ikinaganda? Wala nga akong alam tungkol dyan sa mga pinagsasasabi niyo." sabi ko.

"Kamahalan, anong hindi niyo po alam? Ibig sabihin walang nangyari sa inyong dalawa ng mahal na Hari kagabi? At hindi totoong pumunta ang kamahalan dito? Pero narinig po talaga namin na pumunta ang mahal na Hari dito. Ang sabi din nila galit na galit po si Lady Violet dahil hindi natulog sa bulwagan nito ang kaniyang kamahalan." nanghihinayang na saad ni Haya.

Hindi ko alam pero kinukutuban na ako ng masama dahil sa mga sinasabi nila tungkol sa mahal na Hari. Para kasing tugma sa panaginip ko eh. Yung lalaking pumasok dito at nakipagtalik pa sa akin. Ibig sabihin nito hindi iyon basta lamang  panaginip dahil totoo itong nangyari kagabi. Hindi lang ako basta nanaginip dahil may nangyari nga talaga. Anong katangahan na naman ang ginawa ko?

"Ano bang mangyayari kung sakaling may nangyari ngang gano'n?" kyuryos kong tanong.

"Kamahalan, ibig sabihin lang no'n ay may tsansa na po kayong makabalik sa loob ng palasyo." sagot ni Weyla.

"Talaga?" hindi makapaniwala kong tanong. Ibig sabihin may tsansa na ako.

"Opo, gano'n na nga po, Kamahalan." sagot ni Haya. Napaisip ako dahil sa sagot nila. Mukhang kailangan kong kunin ang kalooban ng Hari para makabalik na ako at magamit ko ang kapangyarihang meron ang babaeng 'to. Wala siyang kwentang Reyna sa totoo lang. Hindi niya ginamit ang utak niya para mabuhay.

"Ah, Kamahalan, kumain na po kayo? Sino pong nagluto? Ngayon pa lang sana kami magluluto para sa agahan niyo kaso nahuli kami ng gising patawad po, Kamahalan." sabi ni Weyla.

Win Back The CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon