Chapter 31: Escape

1.5K 57 0
                                    


Disha's POV

Balisa pa rin ako. Kanina pa ako pabalik-balik sa paglalakad. Kinakabahan ako. Makakalabas pa ba ako nito? Hindi sumusunod ang kapalaran ko ngayon. Nasa loob ng silid ang Hari nagbibihis at sa kamalas-malasan pa ay biglang umulan. Pati langit ay pinipigilan akong lumabas. Nasaan na ba siya? Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Mahal ko, ano't pabalik-balik ka riyan?" tanong sa akin ng Hari na kakatapos lang magbihis ng kaniyang pantulog.

"Wala ito." sabi ko. Niyakap niya na lamang ako mula sa likod sabay halik sa aking leeg. Medyo gumagaan na ang pakiramdam ko. He really does know how to be gentle. Ngumiti na lamang ako.

"Magpahinga na tayo." bulong habang sinisimot niya ang moy ng buhok ko. Di ko maiwasang hindi mapapikit sa panglalambing niya.

"Sige, magpahinga na tayo." tugon ko.

"Sabay na tayong maglakad." sabi niya. Nakayakap pa rin siya kaya natawa na lamang ako ng mahina dahil sa nais niya. Hindi na lamang ako umangal at sumang-ayon na lamang sa nais niya.

Para kaming mga isip-bata sa ginagawa namin. Sabay ang dalawa naming paa sa paghakbang.

Nagpatuloy lamang ang aming tawanan hanggang sa umabot kami sa kama. Humiga na kami at sabay na tumingin sa kawalan. Bukas na ang uwi ng Inang Reyna balita sa akin ng Hari, kaso nga lang hindi ko na ito masasalubong pa dahil tutuloy rin ako sa plano. Kailangan ko lang hintaying matapos ang ulan at gano'n din sa Hari, hihintayin ko siyang makatulog.

"Kamahalan?" tawag pansin ko.

"Hmm?"

"Naniniwala ka ba sa pangalawang buhay?" tanong ko.

Napansin ko ang pagtingin niya sa akin gamit ang peripheral vision ko. Kaya tumingin ako sa kaniya.

"Oo naman." sagot niya sabay hawak niya sa kamay ko. Pinikit niya na ang mga mata niya habang hawak kamay kaming dalawa. Ngumiti na lamang ako habang pinagmamasdan siya. Hinaplos ko ang malambot niyang pisngi.

"Matulog ka na, Kamahalan. Sana magkita pa tayo sa susunod nating mga buhay." mahina kong saad.

"Walang sino man ang makakapaghiwalay sa tadhana nating dalawa. Kahit ilang buhay pa ang ibigay sa atin ng pagkakataon, ikaw at ikaw lang ang pipiliin ng pusong ito." sabi niya habang nakapikit pa rin ang mga mata.

"Mamahalin kita habang-buhay." dugtong niya.

"Mamahalin din kita nang panghabang-buhay, Kamahalan." sabi ko sabay siksik ko sa bisig niya.

***

*Tok-tok*

Bigla akong napamulat nang may narinig akong tunog mula sa labas. Muli kong naaalala ang mga planong gagawin namin ni Lady Violet. Kaya napatingin ako sa katabi kong Hari. Huminga na lamang ako nang maluwag nang makita ko siyang mahimbing pa ring natutulog. Dahan-dahan na lamang akong kumawala sa kaniya at maingat na lamang akong tumayo.

"Kamahalan, 'wag kang magagalit o maghahanap sa akin, ha? Babalik din ako sayo agad. Kailangan kong hanapin si Haya. Hindi rin ako magtatagal. Pangako ko sa iyo, babalik din ako dito at kasama na si Haya pagbalik ko. Ikaw na ang bahala sa dalawang bata lalo na si Xu'en, ang anak natin. 'Wag mo silang pababayaan, mahal ko..." paalam ko sa kaniya sabay halik ko sa noo at labi niya.

Hindi na ako nagdalawang-isip pa na lumabas nang silid. Nang makalabas na ako, bumungad sa akin si Lady Violet. Tumango ako at lumakad na nga kami palabas ng palasyo. Pero bago ang lahat, nagpalit muna ako ng kasuotan sa may bodega. Nagtago pa ako ng maliit na kutsilyo sa ilalim ng kasuotan ko. Kung sakaling manganib ang buhay ko kakailanganin ko rin ito. Magaling naman ako sa martial arts kaya, kaya kong protektahan ang sarili ko.

Win Back The CrownΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα