Chapter 7: What's their real motive?

4.7K 190 4
                                    


Disha's POV

Isang araw na ang nakakalipas at nakauwi na nga ako sa bahay na tinitirahan ko. Ang dami ring nangyari magmula no'ng nabuhay ako sa panahon na ito bilang isang Reyna. Tsaka magmula no'n hindi ko na nakita ulit ang Hari. Last kita ko sa kaniya is yung iniwan niya akong parang tanga at mag-isa sa pasilyo. Pero okay na rin iyon at nabusog naman ako ulit. Wala akong tinirang pagkain maliban sa buto ng manok. Sa tingin ko iyon na ang last kain ko ng masasarap.

"Kamahalan, ayos lang po ba kayo? Mukhang ang lalim po ata ng iniisip niyo." panimula ni Weyla kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hmm? Wala naman, napapaisip lang ako kung hanggang kailan ako mananatili dito?" sabi ko sabay buntong-hininga.

"Nasasainyo po 'yan kung ipaglalaban niyo po muli ang hustisyang nararapat sa inyo, Kamahalan." sagot naman ni Haya.

"Opo, Kamahalan, kailangan niyo pong lumaban para po hindi na tayo laging sinasaktan ni Lady Violet. Nasasaktan po kami kapag sinasaktan ka nila." saad naman ni Weyla. Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa labas bintana.

Ngayon ko lang naalala kailangan ko pa lang malaman ang mga nangyari noon. Kailan ko ring hukayin ang mga alaala ng mahal na Reyna.

"Haya, ngayon ko lang naalala, nais kong maalala ang mga nangyari noon. Ano bang nangyari sa pagkakatanda niyo?" tanong ko. Kagat-labi akong napatingin sa kanila.

"Kamahalan, pagpasensyahan niyo po sana kung konti lang ang maisasagot namin sa katanungan niyo. Ilang taon din ang lumipas kaya medyo mahirap na pong alalahanin ang lahat, pero susubukan po naming sagutin ang lahat ng nais niyong malaman, Kamahalan." sagot niya.

"Sige, ayos lang sa akin. Ngayon, nais kong malaman ang mga nangyari noon." sabi ko. Sabik na ako sa mga sagot nila. Nagbabakasakali akong may malamang clue para sa masimulan ko ng mag-imbestiga sa lahat. Kaya kailangan kong alalahanin lahat-lahat ng memoryang meron ang mahal na Reyna.

"Malinaw pa po sa akin ang lahat tungkol sa naganap na pagtataksil. Kaarawan po iyon ng mahal na Hari at sa mismong araw na iyon naganap ang rebelasyon. Alam niyo pong mangyayari ang lahat ng kasinungalingan na iyon, kaya bago pa mangyari ang lahat inutusan niyo na po kaming iligpit lahat ng gamit niyo ng patago. Galit na galit ang mahal na Hari no'ng araw na iyon dahil sa nalaman niya kaya pinarusahan niya po kayo. Wala po kayong ginawa kung hindi ang tanggapin ang parusang hindi naman  nararapat sa inyo. Hindi po katanggap-tanggap ang mga nangyari sa inyo, Kamahalan." kwento niya.

"Kamahalan!" nagulat ako sa pagsigaw ni Weyla. Patuloy sa pag-agos ang mga luha niya. "Wag na po kayong maging mabait sa kanila! Hinihiling ko pong maging matapang na po kayo at sana wag po kayong magpapaapi sa mga taong nanakit sa inyo. Gusto ko po silang gantihan pero kahit ako walang magawa. Kamahalan, huhu... Wag na po kayong mamamatay, ha? Wag niyo po sana kaming iiwan muli!" sabi niya. Napabuntong-hininga na lamang ako. Nakakaawa nga ang mga nangyari sa mahal na Reyna noon.

"Wag kang mag-alala dahil hindi na ako ang dating Reynang nakilala niyo. Hindi na ako ang mahinang Reyna dahil kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko. Wala nang mananakit sa atin kaya wag na kayong mag-aalala." sabi ko.

"Salamat po, Kamahalan. Habang-buhay kaming mananatili sa tabi niyo. Hindi po kami aalis sa inyo." sabi naman ni Haya.

"Salamat din sa inyo dahil naririto kayo para damayan ako at pagsilbihan ako." sabi ko.

"Wala po iyon, Kamahalan, karangalan po naming pagsilbihan ka hanggang sa huling hininga namin." saad naman ni Weyla.  Ngumiti na lamang ako bilang ganti sa kabutihan nila. Kung nakikita sana ito ng Reyna, ano kayang mararamdaman niya? Ang swerte niya dahil may natitira pa rin siyang tapat na alagad, pero ang malas niya dahil sa mundong 'to siya nabuhay.

Win Back The CrownTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon