Chapter 41: Betrayal

1.3K 44 5
                                    

Third Person's POV

Natapos na ang padiriwang ng kasal. Tapos na ang lahat at may bago na ngang Reyna ang kaharian. Hindi pa kalat sa labas ng palasyo ang balita pero magkakaroon naman ng pagpapakilala sa labas ng palasyo para batiin ang Reyna at Hari. 

Sa gabing ito ay nakatakda na ang pag-iisang katawan nila, ang kanilang pagtatalik bilang ganap na mag-asawa. Ngunit hindi na iyon mangyayari dahil bigla na lamang nag-iba ang pakikitungo ng Hari sa lahat. 

Nagwala ito at pinagtatapon ang lahat ng gamit sa kaniyang silid. Masakit ang ulo niya at punong-puno siya ng puot at galit na hindi niya matukoy kung saan nanggagaling. 

"Kamahalan, ano bang nangyayari? Bakit ka nagwawala?" hindi mapakaling pag-aalala ng Inang Reyna. Naiwan namang nakatayo sa may sulok si Lady Tanxua, ang bagong Reyna. Hindi siya takot pero hindi lamang siya makagalaw dahil sa mga naaalala niya. Alam na alam niya kung saang senaryo ito nangyari sa buhay niya, at magkatulad na magkatulad ito. 

"Ipatawag niyo ang Shaman ngayon din. Ipaalam mo sa kaniya ang mga nangyayari dito!" utos ng Inang Reyna sa isang kawal. Tumungin naman siya sa bagong Reyna na tulala sa may sulok. Kaya inutusan niya rin ang mga tagapagsilbi sa labas na dalhin ang Reyna sa silid ng Dating Reyna. Pasamantala kasi muna itong tumutuloy sa silid ng dating Reyna dahil inaayos pa lamang ang magiging permanente nitong tirahan. 

Ilang minuto na ang lumipas at dumating na nga ang Shaman. Mahinahon na ang Hari kahit papaano pero ang mga mata nito kumikinang na parang nagbabagang apoy sa galit. Hindi rin alam ng Inang Reyna kung anong nangyayari kaya hinayaan niya na lamang na tignan ito ng Shaman para suriin. 

"Kamahalan, kung maaari, hinihiling ko sanang masuri ang Hari ng ako lang?" paghingi ng pahintulot ng Shaman. 

"Sige, kung iyan ang nais mo. Magbigay ulat ka na lamang sa akin mamaya. Pagalingin mo ang aking apo. Ikaw na ang bahala. Pupuntahan ko pa ang Prinsipe." tugon ng Inang Reyna at umalis na nga at nagmadaling nagtungo sa silid ng Prinsipe. Dahil bago mangyari ang pagwawala, naabutan niyang pinagsisigawan ng Hari ang anak nito. Hindi niya rin alam kung bakit gano'n ang naging pakikitungo nito sa kaniyang anak. Maayos naman silang magkasama kanina, kaya nagtataka tuloy siya. 

"Magandang gabi, Kamahalan. Maari ba tayong mag-usap? Nais ko sanang ipaalam sayo na nagbalik na ang Reyna kanina lamang." biglang napatayo ang Hari na parang natauhan. Napahinto ito at naguguluhan. Hindi niya alam kung bakit pero litong-lito na siya sa kaniyang nararamadaman. Alam niyang masaya siya pero nangingibabaw ang galit at puot niya. 

Dahil sa matinding bugso ng damdamin ay bigla itong nagwala at sabay hawak niya sa kaniyang ulo dahil bigla na lamang itong sumakit. Napayukod siya sabay sigaw niya dahil sa tindi ng sakit. Pinagpapawisan na ito at napaluha na rin. Habang ang Shaman naman ay tinignan lamang siya. Talaga ngang umeepekto na sa kaniyang buong pagkatao ang ginawa nitong orasyon. 

Ginawa niya ang bagay na iyon upang sirain ang pagkakamabutihan ng Reyna at Hari. Para madali niyang mapaalis ang Reyna ng tuluyan. Kailangan niya na lamang sirain ang tiwala na mahigpit pa ring pinanghahawakan ng Hari sa Reyna. At isang bagay na madali na lamang para sa kaniya na wakasan dahil sa maitim nitong balak. 

"Kalamahan, kailangan mo siyang puntahan ngayon din. May kasama itong lalaki at sa palagay ko ay nagbalik lamang sila upang kunin ang prinsipe upang ilayo ito sayo. Masama ang aking nararamdaman sa kaniyang pagbabalik. Kalamahan, pigilan mo silang gawin ang mga bagay na naisin nila habang ikaw rito ay nagsasakripisyo at nagpapakahirap para lamang mailigtas sa pagkabagsak ang kaharian." pagsisinungaling nito na siya namang ikinatutuwa niya. 

"H-Hindi…"

"Hindi ito maaari."

"Hindi! Hindi ako papayag Reyna Shin!" galit na sigaw ng Hari. Parang umaapoy na ang mga mata nito dahil sa galit. Tuluyan na ngang nilamon ng puot ang puso't isipan nito. 

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now