Chapter 5: It Was Her

4.7K 198 13
                                    


"Narito na ang mahal na Hari!" anunsyo ng tagapangalaga ng Hari.

Ang lahat ay nagbigay-pugay at bumati sa mahal na Hari. Mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman ni Disha. Hindi siya nagkakamali talaga ngang ang lalaking nasa kaniyang harapan ay ang lalaking kaniyang nakasama noong gabing iyon. Talaga ngang isa itong Hari at mag-asawa nga sila.

Hindi siya makapaniwalang nasa harapan niya ang lalaking tinitingalaan ng lahat ng mga tao sa kanilang bansa. Kaharap na niya ang isa sa mga Hari na nagtatag sa kanilang bansa ilang daang taon na ang nakakalipas. At naging isang Reyna pa siya.

"Kamahalan, ano po bang dahilan at inyo po kaming pinatawag kasama ang aming mga anak? Ano po bang meron, Kamahalan?"

Ang lahat ay puno pa rin ng pagtataka maliban sa isang matandang lalaki at ang anak nito. Masaya silang nagpatawag ang Hari ng pagpupulong. Isang malaking pagkakataon din ito upang tuluyan ng mapatalsik sa palasyo ang Reyna. Nalaman kasi nito ang ginawa ng Reyna sa kaniyang anak.

Nasa loob ngayon ang walong mga bibigating tao sa kanilang bayan. Lima sa kanila ay mga opisyales ng kaharian at ang natitira ay mga magigiting na opisyal na kawal ng kaharian. Isa sila sa mga taong karespe-respetado sa kanilang lipunan dahil sa kanilang naiambag sa bayan.

"Nabalitaan kong may isang tao ang gumawa ng gulo at nagtangka sa mga buhay ng mga anak niyo." biglang kinutuban si Disha dahil alam niyang siya ang tinutukoy nito. Para na siyang bato dahil sa pagkakaestatwa ng kaniyang katawan dahil sa tindi nitong kaba't takot sa Hari.

"Kamahalan, paano niyo po nalamang may nangyari ngang kaguluhan? Walang nababanggit ang aking anak tungkol dito?"

"Sinong lapastangan naman ang nagbanta sa aming mga anak? Hindi niya ba alam kung sino ang kaniyang binabangga? Kamahalan, nais po naming malaman kung sino ito?"

"Kamahalan, paano po ba ito nangyari?"

Lahat ay nagtataka kung sino ba ang nagsimula ng gulo. Hindi na makapag-isip ng maayos si Disha sa mga oras na ito dahil sa kaba. Habang tumityempo naman ang isang opisyal ng Hari.

"Kamahalan, bakit hindi niyo pa sabihin sa amin kung sino itong taong ito at magkaalaman na?" simula ng kanang-kamay ng Punong Minsitro. Siya ang ama ng babaeng nilublob ni Disha sa ilog matapos nitong pagsalitaan ang Reyna.

"Kamahalan, sino po ba ito? Ang lakas ng loob niyang pagtangkaan ang aming mga anak. Gusto kong parusahan niyo po siya, Kamahalan."

"Sa katunayan ang taong ito ay kasama natin ngayon sa loob ng bulwagang ito." nagulat ang lahat at palingon-lingon silang naghanap. Pinaghihinalaan nila ang bawat isa habang ang mga babae nilang anak ay nakayuko lamang at natatakot sa mga susunod na mangyayari. Alam nila kung sino ang tinutukoy ng Hari at alam nila kung ano talaga ang nangyari sa ilog. Matapos nilang kinalimutan ang kaharap nila noong nakaraang araw hindi nila alam kung anong mangyayari sa kanila kapag lumabas ang katotohanan.

"Kamahalan, sino po ba ito?" sabik na sabik na ang lahat sa kasagutang nais nilang malaman upang mabigyan na ito ng kaparusahan. Isang malaking kasalanan ang pagbabanta lalo pa't sila'y anak ng mga importanteng tao sa kanilang bansa.

"Kamahalan, nagmamakaawa po ako sa inyong ibigay niyo na po ang aming kahilingan upang maparushan na ang gumawa nito. Matapos niya pong lunurin ang mahal kong anak na babae sa ilog, nararapat lang po naming malaman ang katotohanan." saad ng kanang-kamay ng ministro.

"Ha? Ano?" ang lahat ay nagimbal sa sinabi niya. Pero hindi na ito lingid sa kaalaman ng Hari dahil alam niya ang mga nangyari.

"Hmm, ipagpatuloy mo, Pinunong Kang, nais kong malaman kung anong ginawa ng taong 'to sa iyong anak." saad ng Hari. Ngumiti ng palihim ang si Pinunong Kang.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now