Chapter 24: The Thief

1.9K 75 3
                                    

"Kamahalan, hindi ko po mahanap ang mahal na Reyna!" hangos na hangos na balita ng isang tagapagsilbi na magdadala sana ng pagkain mula sa Hari. Nais sanang bumawi ng Hari kaya nagpadala ito ng pagkaing paborito nito.

Napatayo sa gulat ng Hari. Hindi siya makapag-isip ng maayos kaya nagtungo ito sa silid ng Reyna upang kumpirmahin ang pangyayari. Hinanap niya ito sa saan mang sulok ng silid pati na rin sa labas, pero hindi niya ito makita at walang Reynang lumabas.

"Anong nangyari at hinayaan niyong umalis ang Reyna?! Sinong nagbabantay sa kaniya?! Nasan na ang mga tagapagsilbi ng Reyna?! Dalhin niyo sila sa bulwagan! Hangga't hindi nahahanap ang Reyna lahat kayo ay mapaparusahan! Kaya ano pang ginagawa niyo dito?! Hanapin niyo na ang Reyna!" nanggagalaiti na sa sobrang galit ang Hari. Para na itong sumabog na bulkan. Ang kaninang mahinahon at masayang Hari ay biglang nagbago dahil sa Reynang naglalakbay lamang sa labas para hanapin ang tagapagsilbi nito, at wala man lang siyang kaalam-alam.

"Kamahalan, may lumapit sa akin na kawal. May nakita siyang lalaking lumabas sa silid ng Reyna at kasama nito ang batang tagapagsilbi." ulat ng Heneral.

"Lalaki? Anong gagawin ng isang lalaki sa silid ng Reyna?" nagsisimula na namang mag-isip ng kung ano-ano ang Reyna. Bumabalik na naman ang takot nitong baka pinagtataksilan siya muli ng Reyna.

"Heneral, may nais mag-ulat sayo." napalingon ang dalawa sa isang kawal.

"Dalhin mo dito." utos ng Hari. Agad din namang sinunod ng kawal ang utos nito.

"Kamahalan, may nakakita sa batang tagapagsilbi ng Reyna na pumapasok ito sa silid ng mga iskolar ninyo. Nawawala ang gamit ni Ginoong Mo Ren. Sa tingin po namin ay ninakaw ng batang iyon ang gamit ng Ginoo para dalhin sa lalaking nakita nilang kasabay nitong lumabas sa silid ng Reyna." ulat ng kawal.

"Itigil niyo na ang paghahanap sa kapatid ng batang iyon. Kailangang maparusahan ang batang iyon sa salang pagnanakaw. Hanapin niyo sila at 'wag na 'wag kayong titigil. Heneral Chu, ikaw ng bahala dito." saad ng Hari.

Umalis na ang Hari na gulong-gulo ang isip. Nakayukom pa rin ang dalawa nitong kamao. Hindi niya alam kung anong mali ang ginawa niya para pagtaksilan siya muli ng Reyna.

Disha's POV

Tumigil na kami sa pagtakbo. Sobrang hingal na hingal na kami at gutom na rin. Kumakalam na ang mga sikmura namin.

"Ssshhh, Kamahalan, 'wag po kayong maingay. Nasa harap po natin ang magnanakaw ng pagkain." bulong sa akin ni Weyla kaya tumahik ako.

Pasimple kaming lumapit nang dahan-dahan hanggang sa nasunggaban namin ito. Nagulat pa siya pero huli na dahil agad na namin siyang tinalian sa kamay at paa. Buti na lamang at hindi ko pa binibitawan ang taling ginamit ko sa pagbalot ng baunan namin.

"Huli ka, bata! Ano ka ngayon? Akala mo ba matatakasan mo kami? Hindi!" sabi ko.

Patuloy lamang siya sa pagpupumiglas para makatakas siya sa amin mulit, pero masikip ang pagkakatali namin kaya hinding-hindi siya makakawala. Napabuntong-hininga na lamang ako nang makita naming madumi na ang mga pagkain. Nahulog ata no'ng ginulat namin itong lalaking ito. Mukhang babalik na naman kami sa may palengke para mamili ng makakain namin.

"Bata, alam mo bang masama ang magnakaw? Pwede mo naman kaming hingian dahil madami naman kaming dalang baon, pero hindi mo ginawa mas gusto mo pang magnakaw.Hindi naman kami masasamang tao o kuripot na tao." sabi ko pero inisnob niya lang ako at tumingin siya sa kabilang direksyon.

"Hayst. Sige, dito ka lang muna at bibili lang muna kami ng mga sangkap sa palengke. Magluluto na lang ako ng bago. 'Wag kang aalis dito, ha? Hindi ka pwedeng umalis." sabi ko.

Win Back The CrownWhere stories live. Discover now