Prologue

43K 782 41
                                    


Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places, business and events are only products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental

Thank you for the cover! You're amazing!💜

His eyes widen and he felt like his jaw dropped on the floor when his father announced his upcoming wedding.

"What the fuck Dad?! Wala pa akong balak mag asawa!" Inis na sigaw nito sa Ama.

"I made up my mind Train. You can't do anything about it. " Seryosong sagot ng Ama nya.

Train Salvatore groaned in annoyance. There's no way in hell that he will marry whoever that woman is! He doesn't even know her!

"Dad, hindi na uso ang arrange marriage! Feeling ko nakikigaya ka lang kay Tito Alfredo nung inarrange yung kasal ni Declan kay Irene, idol mo?" Napangiwi si Train nang samaan sya ng tingin ng Ama.

Naalala nya bigla yung naging arrangement ni Declan at Irene tapos ang ending amputa, may relasyon ang Daddy ni Declan at si Irene! Lintek na hukluban na yun! Ang daming buhay ang nasira dahil sa kanya!

"This is for our own good Train. Makakabuti sa kompanya natin kung ikakasal ka sa isang Villareal. "

Napaatras si Train. Villareal? Lahi ni Serena yun di ba?

"Dad kasal na si Serena, may anak na nga. Mapapatay ako ni Declan. "

His Dad stared at him blankly.

"I'm not talking about Serena Villareal Carson. "

Napahinto si Train at tumango. Nakahinga rin ito nang maluwag. Siguradong papaulanan sya ng bala ni Declan kung si Serena nga ang tinutukoy ng Ama nya.

Pero kung hindi si Serena...

Ibinalik nya ang tingin sa Ama at umiling, the realization hit him.

"Hindi ko bet si pekeng Irene!" Nagpapatawa ba ang Daddy nya? Hindi nya hahayaan na makasal sa baliw na yun!

'There's no way that I will marry that crazy bitch!'

"You will marry Carly Villareal, the heiress of one of the well known and biggest wine companies in Asia. "

Carly Villareal? Sino yun? Serena's cousin?

"Kung gusto mo makuha ang mana mo ay kailangan mo syang pakasalan. "

Natawa si Train, so sa babaeng yun nakasalalay ang mana nya? Ang luma na talaga ng style ng Daddy nya. Ipagdadamot ang yaman pag di nasunod ang gusto.

Huminga sya nang malalim at tumango. Syempre! Kailangan mauna ang mana! Be practical.

"Alright, when is the wedding?"

Napangiti ang Daddy nya. Napaismid sya, pasalamat ang Daddy nya at ayaw nyang mawala ang mana nya!

May kinuha ito sa may gilid ng table nito at inilagay sa lamesa. It was a small box and he's freaking sure that inside of it was a ring!

"Propose to her."

Wait what? Propose? Bakit? Arrange marriage nga di ba? Bakit may proposal?

"You're kidding me right?"

His Dad grinned and shrugged.

No way!

"If you have to kneel in front of her then do it. You have to marry that girl no matter what it takes. "

Nagsalubong ang mga kilay nya.

"Ang ibig mong sabihin ay hindi pa sya pumapayag sa arrangement na ito?" His Dad nodded. Oh great! What a hassle!

"She's kinda stubborn. You can't just dictate her on the things she have to do. "

Sumeryoso ang mukha ng Ama.

"You have to tame her. That's the only way Train. "

Parang gustong suntukin ni Train ang sarili nya sa sobrang inis or di kaya ay kutusan ang Daddy nya dahil sa mga pakulo nito!

Damn, mukhang kailangan nya pang sumuyo ng babae but hey, he's Train Salvatore, he's pretty confident that he will get that girl.

Train smirked with that thought. 'Oh well Carly Villareal, ready yourself. I'm fucking sure that I can tame you easily'.

Napangiti na lang si Train sa naisip nya. What he didn't know is he's about to tame a cold-hearted heiress.

#hh

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now