Chapter 21

13.2K 444 21
                                    

NAKATUON ang gilid ng ulo ni Carly sa bintana ng sasakyan. Inabala na lang nya ang sarili sa pagtingin sa mga  nadadaanan nila.

"Are you okay Carly?" Nag-aalalang tanong ni Serena na nakaupo sa tabi ng asawa nito na nagda-drive.

Tumango sya at ngumiti. Muling nyang ibinalik ang tingin sa may bintana.

Kanina pa ito tumitingin sa kanya, ngayon lang ata nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin sya.

Napaupo sya ng maayos nang huminto ang kotse nila hindi kalayuan sa isang hotel. Her eyes settled on what's outside the window. She saw a familiar built.

She asked Declan if they can stay even  a little longer. Tinignan nito ang tinitignan nya at tumango.

He parked near the hotel.

Inalalayan nitong bumaba sa sasakyan ang isang babae. Nakaangkla ang braso sa leeg nito habang nakapulupot naman ang isang braso ng lalake sa bewang nito.

Naramdaman nya ang kakaibang kirot sa dibdib nya.

Pinilit nyang kunin ang phone sa maliit na bag.

She moved it closer to her ear while her gaze is still focus on those two.

It took a few rings before Train answered it. Nakapalibot pa rin ang braso nito sa bewang ng babae.

"Baby..."

Please don't call me that.

"Where are you?"

Hindi agad ito nakasagot. Pinakatitigan nya ang reaksyon ng asawa. Tumingin ito sa babaeng inaalayan bago tinuon ang tingin sa ibang direksyon.

"S-sa bahay ni Marcky. Pauwi na rin ako. "

Mapait syang ngumiti.

"The next time you will lie, please make it at least somehow believable. " She then ended the call.

Hinarap nya si Declan.

"Let's go. "

Declan stared at her through the rearview mirror, nilingon naman sya ni Serena. She saw pity in her eyes.

"I'm okay. " She assured her.

"I know you're not. " Sagot nito.

May pumatak na luha sa mga mata nya na agad nyang pinunasan.

Muli syang bumaling kay Serena at nginitian ito.

Iniwas nya ang tingin.

Please don't ask me more questions, I might break down.

Mukhang nakaramdam si Serena at hindi na muling nagtanong na pinagpapasalamat nya.

She saw Declan took his phone and placed it closed to his hear.

"You're a dick. " Saad nito sa kausap bago ibinaba ang tawag.

Natuon ang tingin nya kung nasaan sila Train. Nakatapat ang phone sa tenga at maya maya lang ay ibinaba nito at pinakatitigan.

Napangiti sya. What Declan did made her feel somehow a little better. Hinawakan ni Serena ang kamay nya kaya kahit paano ay masasabi nyang gumaan ang pakiramdam nya.

Umusad na ang sasakyan. Hindi nagtagal ay nakarating sila sa tapat ng condo nila.

"Gusto nyo muna pumasok?"

Umiling si Serena. Nakasuot na ito ng jacket na nakita nya sa sasakyan ni Declan na pagmamay-ari siguro nito. Nakayakap ang isang braso ng asawa sa bewang nito.

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now