Chapter 16

13.8K 438 32
                                    

TRAIN couldn't help but to steal glances to his wife. Mukhang galit talaga ito sa kanya dahil hindi na sya nito pinansin matapos ang pag-uusap nila sa parking lot.

Nakarating na sila sa bahay nila Declan at kasalukuyang nakikipag-usap ang asawa nya kala Serena, Lia, Harper at Sidney.

Muli nyang tinignan ang asawa mula sa lamesa kung saan sila nag-iinuman ng mga kaibigan. Hindi man lang ito tumitingin sa kanya!

Sinubukan nyang kausapin ito matapos ang dinner pero iniiwasan sya nito.

She's back on being cold!

"Baka matunaw yan. " Naramdaman ni Train ang pagtapik sa balikat nya. Tinignan nya lang si Marcky bago tinungga ang bote na may lamang alak.

"She's as cold as ice though. "

Tumawa si Marcky at napailing. Inakbayan sya nito.

"Mukhang may problema sa asawa ang kaibigan natin Captain. " Saad ni Marckym

"Spill." Maikling untag nito.

"Nag-away ba kayo ng asawa mo? Nagsisisi na ba sya na nagpakasal sya sayo?" Sinamaan nya ng tingin si Silver pero tumawa lang ang gago!

"She's back on being cold again. Para syang si Elsa. " He said frustratedly.

"Elsa? Yung asawa ni Pepito?" Nakakunot ang noo na tanong ni Marcky.

Muntik na nyang kuhanin ang isang bote sa lamesa at ihampas kay Marcky.

Tangina! Seriously?!

Ang seryoso ng usapan tapos biglang hihirit ng ganun?!

"Gago! Si Elsa, yung labandera nila Sidney!" Si Silver.

Sinamaan nya ito ng tingin.

"Ay iba ba yun?" Inosenteng tanong nito.

Tinignan nya si Blake

"May baril ka bang dala dude? May babarilin lang ako!"

Napailing si Blake sa kanya at may nilapag na baril sa ibabaw ng lamesa.

"I'll let you use my two bullets. "

Napangisi sya.

"Hoy ano yan?!" Sigaw ni Marcky.

"Tangina! Wag naman ganyan Salvatore!" Angil ni Silver.

"Stop cussing. Kapag narinig ka ng anak ko, ako mismo babaril sayo. " Banta ni Declan kay Silver.

Napangiwi si Silver.

Serena will surely be mad at Silver, lalo na at nasa hindi kalayuan lang ang mga bata.

"Let him cuss. Kapag narinig sya ni Sidney, siguradong babalian sya ng buto lalo na at nandito si Eros. " Luan smirked.

Napalunok si Silver.

"Bakit ba kasi dinadamay mo kami sa lovelife mo?!" Baling ni Silver kay Train.

Kinasa ni Train ang baril.

"Alam mo dude, kulang lang sa lambing yang asawa mo. " Inakbayan sya ni Silver at si Marcky naman ay biglang inagaw sa kanya ang baril at inabot kay Blake.

"Bakit ba kasi may dala ka nyan?!" Angil nito kay Blake.

"For self defense? Tss enemies are everywhere. " Sagot ni Blake.

Marcky snorted.

"Ano bang problema nyo ni Carly?" Pag-iiba ni Luan sa usapan.

Train leaned on his seat and drank the liquor inside the bottle that he was holding.

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now