Chapter 10

14.1K 494 55
                                    

SHE fixed herself first before she went downstairs to join others for lunch.

Agad nahagip ng mga mata nya si Train na mataman na nakatingin sa kanya. Sa tabi nito ay si Anna.

Hindi nya na ito pinansin at dumiretso sa upuan nya. Nasa tabi nya si Kallil.

"Where's Lolo?" Tanong nya kay Anna.

"Nasa kwarto nya Senyorita. Tapos na sya kumain at kasalukuyan syang nagpapahinga. " Tumango sya sa sagot ni Anna.

Nagsalin sya ng pagkain sa plato nya.

"Here's the rice. " Inabot sa kanya ni Train ang lalagyan ng kanin at sasandukan pa sana sya nito nang mabilis nyang kunin ang bowl mula dito.

"Kaya ko na. " Nagsalin sya sa sariling plato. Narinig nya ang malalim na pagbuga ng hininga ng binata.

Umayos ito ng pagkakaupo at tinitigan sya. Napailing na lang sya at hindi na ito pinansin.

"Iniwan nyo ko kanina. Mabuti na lang ay may isa pang golf cart. " Basag ni Kallil sa katahimikan.

"I'm sorry about that Kallil. I was in a hurry. Train told me that Lolo was looking for me. " Pinandilatan nya si Train. Tss, ngayon kailangan nya pang magsinunangaling dahil sa lalakeng ito!

"I understand pero sana sinabihan mo ako para naihatid kita. " May concern sa tono nito.

"I was there. She doesn't need you. " Singit ni Train. Magkasalubong ang mga kilay nito at mukhang galit.

Natahimik sa lamesa. Mariin na nagtitigan sila Train at Kallil.

"May problema ka ba sa akin?" Tanong ni Kallil.

"Meron, may angal ka?" Maangas na banat ni Train.

She can feel the tension between them. Mukhang nagkakainitan na talaga.

"Ang init! Parang masarap yung juice! Inom muna kayo mga Sir. " Nagsalin si Dalya ng juice sa baso ni Kallil. Lilipat na sana ito para ang baso naman ni Train ang lagyan nang biglang tumayo si Anna at inabot ang hawak nito.

"Ako na maglalagay. " Si Anna na ang naglagay ng juice sa baso ni Train.

Nagtaas ng kilay si Carly. Nakita ito ni Anna kaya bigla itong umayos ng pagkakaupo at umiwas ng tingin.

"I'm done. " Tumayo si Carly at iniwan ang mga ito. Dumiretso sya sa kwarto at umupo sa may kama.

Wala na syang pakelam kung magbangayan yung dalawa. Kinuha nya ang laptop at nagbasa ng mga reports ng secretary nya habang wala sya sa kompanya nila.

Maganda naman ang sales ng wines nila but still, it wasn't enough for her. Nabalitaan nya na halos magpantay na ang number of sales nila ng mahigpit nilang competitor. She's aiming for something high, hindi sya magpapatalo ng ganun ganun na lang.

Kung magiging kakampi nya ang mga Salvatore, siguradong makakahatak sya ng mga malalaking investors. Kilala kasi ang mga ito sa larangan but of course, makikinabang din naman ang mga ito sa pangalan nila.

Maybe her decision is right.

Hindi namalayan ni Carly na nakatulog na pala sya.

NAKAUPO si Train sa may sun lounger at mariing nakatitig kay Kallil na naliligo sa pool.

"Anong problema Sir Train?" Usisa ni Osang na nagtitrim ng halaman.

"Bakit ba nandito yan?" Pagalit nyang tanong.

"Baka inaalok din ng kasal si Senyorita CCarly. 

Marahas na nilingon nya si Osang.

"What?!"

Taming The HeiressKde žijí příběhy. Začni objevovat