Chapter 7

13.7K 495 11
                                    

SHE took a deep breath and accepted Train's hand. Inalalayan sya nitong tumayo mula sa kinauupuan which is hindi naman kailangan. She can stand up on her own!

"I thought you wouldn't accept my hand. " Nakangising untag nito.

Carly couldn't help but rolled her eyes.

"I almost did that. " She coldly said.

"I'm glad you didn't Carly baby. " He said while still smiling.

"Magpaalam na tayo kay Osang para makauwi na tayo. "

She nodded in agreement. Kailangan na rin nila makauwi dahil maggagabi na. Nakainom din si Train dahil naglapag ng alak si Nato sa lamesa nila at doon nakipag inuman sa binata.

Nagpaalam sila na uuwi na at hinatid naman sila ni Osang at Nato sa may sakayan ng tricycle. Hindi umalis ang mga ito hangga't hindi sila nakakasakay.

"I'm drunk. " Nagulat sya ng biglang sinubsob ni Train ang mukha sa bandang leeg nya.

"I know you're not. " She said and using her finger, she pointed on his forehead and push it away from her neck.

Narinig ni Carly na nagprotesta ang binata. Pero ganun pa man ay hindi na nito ulit isiniksik ang mukha sa leeg nya.

"Naglalambing lang. "

Nilingon nya ito at nakitang nakanguso ito habang nakatingin sa kanya. Tinaasan nya ito ng kilay.

"Wala tayong label and we're not even that close. " At yun ang totoo. And one more thing, bakit naman sya magpapalambing sa ungas na ito?

"Bakit? Kailangan ba ng label bago maglambing? Si Sidney nga at si Silver, naghahalikan sa harap namin. Walang label ang mga yun!" May bahid ng pagtatampo ang boses nito. Parang bata.

"What do you want me to do then? Kiss you?" Nanunuyang tanong nya.

Agad na nagliwanag ang mukha ng binata at ngumuso pa ito.

"Torrid please. " At talagang nagrequest pa! Tss nababaliw na talaga ang isang ito.

Nagpasalamat si Carly nang huminto ang tricycle at ngayon nga ay nasa harap na ng mansyon. Tinapik nya ang tuhod nito at nauna na syang bumaba kay Train.

Agad syang pinagbuksan ng gate ng guard nila.

"Magandang gabi Senyorita!"

"Magandang gabi rin po. " Bati nya pabalik.

Narinig nyang nagbayad si Train sa may driver. Binati rin ng guard si Train nang makapasok ito.

Sinamahan sila ng guard hanggang sa makarating sila sa nakaparadang golf cart.

"Gusto nyo po bang ipagmaneho ko kayo?"

Sasagot na sana sya pero naunahan sya ni Train. Nauna pa itong sumakay sa kanya at naupo sa may driver seat.

"Ako na Manong. "

Tumango ang guard. Carly sighed and sat next to him.

Sinimulan ng paandarin ni Train ang sasakyan.

Ang akala nya ay magiging tahimik ang byahe nila but of course she was wrong. She's with Train Salvatore, ano pa nga ba ang inaasahan nya? Tss, ang daldal.

"You can't just leave me hanging. " Basag nito sa katahimikan. Alam nya na ang tinutukoy nito ay yung sa halik. Why would she kiss him anyway?

"Sa tingin mo ba talaga hahalikan kita?"

"Why not? Masarap akong humalik. " Sumulyap ito sa kanya na may pilyong ngiti sa mga labi.

Inirapan nya ito at tinuon na lang ang tingin sa may daan.

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now