Chapter 15

13.6K 451 8
                                    

TUMAYO si Carly mula sa kinauupuan matapos ang meeting nila. Nagsilabasan na rin ang ilan sa mga board members at ang tanging naiwan ay sya, ang secretary nya at ang ama ni Train at secretary nito.

"You really are great when it comes to business hija. " Puri ng ama ng asawa nya nang makalapit ito sa kanya.

Ngumiti sya.

"I guess I've learned from the best. " Ang tinutukoy nya ay ang Lolo nya na magaling talaga sa larangan ng negosyo. Mukhang nakuha naman ito ng kaharap dahil tumango ito bilang pagsang-ayon.

"Well, what do you expect from the great Conrado Villareal?"

Napangisi sya.

"Napag-isipan mo na ba ang tungkol sa merging hija?" Pag-iiba nito ng usapan.

"I want to consult Lolo first before I make a decision. Kung sa akin lang ay ayos lang naman po. "

"Oh I understand hija. Gusto ko rin makausap ang Lolo mo tungkol sa alok ko. " Nakangiting saad nito.

"Ahm pwede po bang mauna na ako? May naghihintay po kasi sa office ko. " Nag-aalangan na tanong nya.

"A client?"

Umiling si Carly.

"Si Train po. "

Mukhang nagulat ito sa sinabi nya pero agad din naman nakabawi at ngumisi sa kanya.

"Hindi na rin ako magtatagal at may kailangan din akong tapusin sa opisina ko. Please say hi to that dumbass for me. " The old man winked at her.

She chuckled and nodded.

"Ihatid mo sila. " Baling nya sa secretary nya na agad naman tumango.

Kumaway ang matanda sa kanya bago tuluyang umalis.

Carly sighed and left the meeting room. Dumiretso sya sa opisina nya at doon sumalubong sa kanya ang asawa na nakaupo sa swivel chair nya at nakasubsob ang mukha sa lamesa.

Mukhang nakatulog ito sa kakahintay sa kanya.

Nilapitan nya ito at tinapik ang pisngi. Train groaned and moved his face on the other side.

Carly walked to the other side and crouched. Pinakatitigan nya ang asawa at napangiti.

He's really handsome.

Mahinang usal nya sa sarili. There's no way that she will tell it to him. Sa ugali ni Train ay siguradong magyayabang ito.

Sa higit dalawang buwan na pagsasama nila ay masasabi nyang nagkakasundo sila, though hindi pa rin maiiwasan ang iringin dahil minsan talaga ay naiinis sya sa binata. Dumagdag pa sa inis nya na maraming babae ang bigla na lang lumalapit at yumayakap dito. Train and his girls. Napailing si Carly.

Pinitik nya ang noo nito.

"Wake up sleepy head. "

Mukhang walang epekto ang ginawa nya. Inulit nya pa ng isang beses ngunit walang nangyari. Mukhang mahimbing talaga ang tulog nito.

Carly sighed and moved to the visitor's chair and sat. She took the papers on the table and started reading it.

Ang ilan sa mga ito ay kailangan ang pirma nya kaya naman ibinuhos nya ang atensyon dito.

Hindi na namalayan ni Carly ang oras na lumipas. After signing the last document, she glanced at her watch.

It's almost five in the afternoon. Patapos na ang office hours at wala syang balak mag over time ngayon na nandito si Train.

Taming The HeiressHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin