Chapter 27

14.8K 455 9
                                    

"WE HAVE REACHED OUR DESTINATION." Carly said and  Train stopped the car in front of the plantation.

Naunang bumaba si Carly at agad naman sumunod sa kanya si Train. Kinuha nya ang isang picnic blanket sa may golf cart at binitbit iyon.

Ang ilaw sa isang poste at liwanag ng buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa kanila.

"Where are you going?" Train asked.

Nilingon nya si Train at ngumisi. She took off her stiletto and handed it to Train.

"Hold these for me. " She requested.

Agad naman na tumalima si Train at kinuha ito sa kanya.

Nagpatuloy sya sa paglalakad papunta sa loob ng plantasyon.

"Baka masagutan kam" Nag aalalang sabi ni Train.

Hindi nya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nagulat na lamang si Carly nang biglang may bumuhat sa kanya.

"Tss stubborn."

Tinitigan nya ang gwapong mukha ng asawa. Seryoso lang ang mukha nito habang naglalakad.

"Quit staring, baka matunaw ako." Puna ni Train na hindi tumitingin sa kanya. May ngisi na ito sa mga labi.

Napangiti sya at napailing.

"You can now put me down." Huminto sa paglalakad si Train at ibinaba sya.

Lumuhod ito sa harap nya at sinuot sa kanya ang sapatos na hinubad nya kanina.

Tumayo ito at nilibot ang tingin sa paligid.

"What are we doing here?"

Inilatag nya ang picnic blanket na dala at umupo doon. Lagi nyang sinisigurado na may picnic blanket sa may golf cart dahil minsan ay naiisipang nyang magpalipas ng oras sa may plantasyon or di kaya sa may burol na di kalayuan sa rancho nila.

She tapped the space next to her. Train moved and sat beside her.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Maiintindihan ko naman. " Basag nya sa katahimikan na bumalot sa kanila.

Train exhaled a deep breath.

"I'm sorry. It was a jerk move, I know. Hindi ko lang kasi alam kung papaano sasabihin sayo. Kakasimula pa lang natin. I was afraid to risk. "

"So you decided to kept that with yourself. " She says back.

"I'm your wife Train. Don't you think I deserve to know that?"

Napayuko ito.

"Medyo matagal na rin hinahanap ni Luan ang Ina ni Eros. Kung siya lang ang masusunod ay wala na syang balak hanapin ito. Ayon sa kanya ay bakit nya hahanapin ang babaeng nag iwan sa anak nya na parang isa lang itong tuta? He's mad at her for leaving Eros just like that." He paused.

"But it was Eros' request to know his mother and Luan couldn't say no. Alam nyang nangungulila ang anak nya sa isang ina. Luan asked for my help. May hinala sya na may alam si Elaine at tama nga sya. Sinabi nya na wag kong sasabihin ang tungkol dito kahit kanino kaya hindi ko agad nagawang sabihin sayo. And about Elaine, inamin ko sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon dahil nakokonsensiya ako. " He sighed.

"Alam kong mali ang ginawa ko and I don't have plan to justify it. Kasalanan ko, hindi ko inisip ang nararamdaman nya. "

Tinitigan nya ang asawa. Nilingon sya nito. Makikita ang pagsisisi sa mga mata nito dahil sa nagawa.

"Kasalanan mo talaga. Kahit ano pang dahilan mo, mali pa rin na paglaruan mo ang ang nararamdaman ng isang tao. Tell me, what would you feel if you're in their shoes?"

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now