Chapter 6

14.1K 489 37
                                    

PINAGMAMASDAN ni Train si Carly habang nagdidilig ito ng mga halaman. She's wearing a blue sleeveless and shorts. Hindi maiwasan ni Train na pasadahan ng tingin ang mga hita ng dalaga. He's dying to caress those creamy legs.

Hindi na sya makapaghintay sa honeymoon nila! Napangiti sya pero biglang naglaho yun nang may biglang maalala. Hindi pa nga pala tinatanggap ng dalaga ang proposal nya!

Napaungol sya at sinubsob na lang ang mukha sa may lamesa.

"Senyorita, invite ko lang kayo sa birthday ng anak ko. May konting salo salo sa amin. Inaasahan kayo ni Nanay. "

Napaangat ang tingin ni Train nang marinig ang anyaya ni Osang kay Carly. Nagwawalis si Osang ng mga tuyong dahon.

"How old is he again?" Tanong ni Carly.

"Two days pa lang Senyorita. "

Nagsalubong ang kilay ni Carly.

"Joke lang! Magfifive na po!" Agad na bawi nito.

Napaismid si Train. Hindi talaga matinong kausap ang isang ito.

"I'll try. "

"Sige po Senyorita. "

Binalingan sya ni Osang.

"Ikaw din Sir Train, punta ka sa amin. "

"May shanghai ba?" Walang gana nyang tanong.

"Meron po Sir!"

"Sige pupunta ako. "

Ngumiti si Osang at pumalakpak.

"Anong oras ba tayo aalis?"

Nakangiting hinarap ni Osang si Carly.

"Ngayon na sana Senyorita. Tapos na rin po ako sa trabaho ko. "

Napatanga si Train. Tangina, ngayon na agad?!

"Sana man lang sinabi mo kahit 30 minutes before!" Angil nya kay Osang.

"Ganun ba dapat?" Nakakunot ang noo na tanong nito.

Napaismid si Train. Tss baliw talaga!

"Mag aayos lang ako. "

Hinubad ni Carly ang suot na gloves at tinalikuran sila. Agad naman tumayo si Train at sinundan ito.

"Pupunta ka?" Tanong nya sa dalaga.

"I have nothing to do so I'll go. "

Napangiti sya.

"Pupunta rin ako. "

"Dahil sa shanghai. " Saad nito.

"No! Pupunta ako dahil pupunta ka! Well additional na lang yung shanghai. "

Napakamot sya. Wala naman talaga syang balak na sumama pero dahil kasama si Carly, sasama na rin sya! Baka may bigla pang pumorma rito, masasapak nya talaga!

Tinignan sya ni Carly at tinaasan ng kilay.

"Sa kabila ang kwarto mo. " Saad nito matapos huminto at humarap sa kanya.

Napahinto sya at doon nya lang napagtanto na nasa harap na pala sila ng kwarto ng dalaga.

"Oh, sorry. " Napakamot si Train at umatras.

"Magbibihis na ako. "

Tumango lang ang dalaga sa sinabi nya at sinarado ang pintuan.

He sighed and went to his room.

He went straight inside the bathroom and took a quick shower. Paglabas nya sa bathroom ay dumiretso sya sa may closet nya at kumuha ng damit.

He wore a grey v-neck shirt and a faded pants. Matapos suotin ang sapatos at magspray ng pabango ay lumabas si Train ng kwarto nya sakto naman na kalalabas lang din ng dalaga.

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now