Chapter 2

19.3K 577 55
                                    

INIS na inis pa rin si Train sa sarili nya dahil sa katangahan na nagawa nya kanina. 'Oh damn! That was really embarrassing!'

He groaned and was about to follow Carly inside when his phone suddenly rang.

It was his father.

Train took a deep breath before he answered it.

"Dad napatawag ka---"

"Napasagot mo na ba?" Agad na putol ng Ama nya sa sinasabi nya.

Pwede bang sabihin nya na 'No' ang sagot nito?

"About that---"

"Wag kang uuwi rito hangga't hindi tinatanggap ng apo ni Don Conrado ang proposal mo!"

Train groaned. Makapag utos ang Daddy nya parang ang dali lang ng pinapagawa nito!

But wait! Carly says no with 'Will you fuck me?' right? So meaning, he has still a chance if he propose to her again with 'Will you marry me?', this time with a ring not a fucking condom. Napangiti si Train sa naisip.

"Do everything that you need to do just to get her yes. Wag kang magkakamaling takasan ako! Kapag nalaman kong tumakas ka, I swear Train Salvatore, wala kang makukuhang mana sa akin!"

"Maka Train Salvatore ka naman parang di mo ako anak? Wag kang mag alala hindi ako tatakas Olivaro!"

Alam ni Train na sasagot pa ang Ama kaya agad nya nang ibinaba ang tawag. Hindi rin magpapatalo yun.

He put his phone back inside his pocket. Kinapa nya ang kabilang bulsa at nakapa dun ang singsing na hindi man lang nya inilagay sa velvet box. Sa totoo lang ay nagmamadali sya kanina, hindi nya na pinalagay sa box at nilagay nya na agad sa bulsa nya.

Napangiwi si Train nang makapa yung condom sa parehong bulsa. 'Putangina! Bwisit talaga sa buhay ko si Silver!'

Napailing na lang sya at tinapon sa nakitang basurahan ang condom. Dumiretso sya sa living room para hanapin si Carly pero hindi nya ito nakita.

Tinawag sya ng isa sa mga kasambahay at sinabing hinahanap sya ni Don Conrado para mananghalian.

Walang nagawa si Train kung di ang sumunod. Naabutan nya na nakaupo na ang matandang Don at sa gilid nito ay ang isang babae na nakauniporme na sa tingin nya ay nurse nito.

Sinenyasan sya ng Don na maupo at yun nga ang ginawa nya. He was really famished, pero dahil sa nangyari kanina ay nakalimutan nya ang gutom nya.

Nilagyan sya ng pagkain ng isa sa mga kasambahay at nagsimula na syang kumain.

"Nagkausap na ba kayo ng apo ko? Pumayag ba sya?" Tanong ng matandang Don.

Naiwan sa ere ang kutsara na isusubo sana ni Train. Ibinaba nya ito at tumingin kay Don Conrado.

Paano nya ba sisimulan ang lahat? Nakakahiya talaga yung ginawa nya!

'Tss bahala na nga!'

Sasagot na sana si Train nang may biglang umupo sa upuan sa harap nya.

"I declined his proposal Lolo. "

Her voice was cold but it's still affects him!

Nakasuot ito ng isang blue floral dress at nakalugay ang mahabang buhok nito, maalon ang kurba ng dulo nito. Maputi ito at makinis. Bumaba ang tingin ni Train sa balikat nito at sa collarbone, fuck! Pakiramdam ni Train ay sumikip ang pantalon nya!

"Pwedeng pag isipan mo ulit ang desisyon mo apo? Kilalanin mo muna si Train, nasisiguro kong mabuti syang bata" Saad ng matandang Don.

Tinignan sya ni Carly at tinaasan ng kilay. It was like she was telling him that he didn't tell to the old man what happened earlier.

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now