Chapter 14

13.5K 475 7
                                    

INANGAT ni Carly ang tingin nang biglang bumukas ang pintuan ng opisina nya.

Agad na bumungad sa kanya si Train at sa likuran nito ay ang secretary nya.

Tinanguan nya na lang ang secretary nya. Kilala ng mga empleyado nya si Train bilang asawa nya.

"Hindi ka raw nag lunch. "

Tinuro nya ang visitor's chair at naupo naman dun si Train.

"I'm busy. " Sagot nya at muling itinuon ang tingin sa mga papel na hawak nya.

"Tss, don't skip your lunch. "

Hindi sya sumagot.

"Anong ginagawa mo?"

"Just reading the report for this month sales. "

Tumayo si Train at naglahad ng kamay sa kanya.

"Let's eat. Sa may cafeteria na lang."

Tinitigan nya ito at huminga ng malalim.

"I told you, I'm busy. "

"Come on Carly, you have to eat. "

Train smiled and for a second, she was mesmerized. Umiling sya at inignora na lang iyon. Inabot nya ang kamay ni Train at tumayo.

Lumabas sila ng opisina nya. Aalisin na sana nya ang pagkakahawak ni Train sa kamay nya pero hindi sya hinayaan ng binata bagkus ay humigpit pa ang pagkakahawak nito sa kanya.

Ramdam ni Carly ang mga tingin na binabato ng mga empleyadong nakakasalubong nila. Kapag tinitignan nya naman ang mga ito ay agad nag-iiwas ang mga ito ng tingin.

Train looked for a table for them. Pinaupo sya ni Train at ito na mismo ang nag order ng pagkain nila.

Inilibot nya ang tingin. Ang ilang empleyado ay napapatingin sa gawi nya. Of course, this is her first time to eat here. She usually ask her secretary to bring food in her office and she would eat there, alone.

Carly saw a bunch of her employees giggling while staring and pointing to Train who's busy ordering for their foods.

Nagtaas sya ng kilay. Napalingon ang isa sa mga ito sa kanya at agad namutla. Tinapik nito ang mga kasamahan at bahagyang napalingon ang mga ito sa kanya at agad nag-iwas ng tingin. Hindi na muli itong lumingon kay Train at agad nagtayuan at umalis ng cafeteria.

Nagsalubong ang mga kilay nya.

"You're kinda intimidating. "

Nag angat sya ng tingin. Inilapag ni Train ang tray sa may lamesa at nilapag ang mga pagkain. Umupo ito at nginitian sya.

"You're famous with girls. "

Ngumisi si Train.

"Are you jealous?"

Tinaasan nya ito ng kilay.

"Try harder. "

Train licked his lips.

"Don't say 'harder', iba pumapasok sa isipan ko. "

Pinigilan ni Carly ang mapanganga. This brute!

"Pervert." Bulong nya.

"I didn't expect that you will get it. " Manghang saad nito.

"Guess I'm not that innocent after all. " She shrugged.

She saw him smirked.

Nagsimula na syang kumain at ganun din ang ginawa ni Train.

"Hindi ka pa rin nagla-lunch?"

Taming The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon