Chapter 25

14.2K 425 24
                                    

TRAIN didn't let go of Carly's hand until she was done talking to some of her grandfather's colleagues.

"Ang ganda talaga rito!" Harper said with a huge smile on her lips. Looks like she's enjoying the party and the place.

"Indeed! I like the fresh and cold air. Province really hits different" Sang-ayon ni Lia.

"Yeah, I agree. " Saad ni Silver.

Napangiti sya. Somehow it made him happy that his friends appreciate the beauty of this place.

"Where's Dark?" Tanong ni Silver nang makalapit sila Declan at Serena sa lamesa nila.

"He's sleeping. " Declan said and pulled a chair for his wife. Nakasuot ng jacket Serena na nasisiguro nya na pagmamay ari ni Declan.

They're in the garden. Medyo malamig na rin dahil gabi na.

"Kung alam ko lang na kasama si Dark ay sinama ko na rin sana si Timmy. " Si Lia.

"Speaking of Timmy, saan mo sya iniwan?" Tanong ni Harper.

"We left him in my Mom's house." Si Marcky ang sumagot.

"Tangina lasing na si Marcky. Nag e-english na!" Tumatawang untag ni Silver at tinapik ang balikat nito.

"Gago! Sinong malalasing sa juice?" Inangat ni Marcky ang baso na may lamang orange juice.

"Wow talaga Marcky? Nakakailang bote na kayo. Gusto mo palunok ko sayo pati yung bote?!" Singhal ni Lia.

Napangiwi si Marcky at hinalikan na lang ito sa pisngi.

Nilingon ni Train si Carly at nakitang nakangiti ito habang pinagmamasdan ang mga kaibigan nila.

"You're smiling. "

"They looks so in love with each other. Serena and Declan and of course sila Lia and Marcky. I want that kind of love. "

He held her hand.

"I can give you that kind of love. " He said. He's willing to give that kind of love to her. He's willing to do everything for her.

Nilingon sya ni Carly at nawala ang ngiti sa mga mapupulang labi nito. She stared deeply in his eyes. Para bang tinatantya kung totoo ba ang sinasabi nya.

"Wag kang magbitaw ng mga salita na hindi mo naman kayang panindigan. "

He sighed. Mukhang di pa tapos ang pagtatampo ng asawa nya sa kanya.

"You're still doubting me. " He said in a matter of fact.

"Can you blame me?"

Tipid syang ngumiti at umiling. Naiintindihan nya ang asawa nya kung bakit nagdududa ito.

"Wala akong ibang babae. " He assured her.

"I have to tell you something about Elaine---"

"Ang sarap ng mga pagkain sa party na ito!" Naputol ang sasabihin ni Train dahil sa dumating. Napanganga sya. Anong ginagawa nito rito?

Biglang tumayo si Carly at tinignan sya.

"Tss bakit ba hindi na ko nagulat?" Tinaasan sya nito ng kilay at napailing. Damn! What a great timing!

"Carly!" Tawag nya sa asawa nang bigla itong umalis. Fuck!

Mabilis na tumayo si Train at sinundan ang asawa nya.

"Anong nangyari dun? Bakit biglang umalis?" Tanong ni Elaine. May hawak itong plato at umupo sa tabi ni Harper.

PINAGMASDAN ni Elaine si Carly na ngayon ay sinusundan ni Train.

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now