Chapter 5

15.5K 517 62
                                    

NAPANGITI si Train nang makitang papasok si Carly sa may dining room para daluhan sila sa pagkain.

She's wearing a black sleeveless top which define her fair skin and a denim shorts. Nakalugay ang mahabang buhok nito. He smelled her hair earlier, it was so soft and smells great.

Pakiramdam ni Train na nanuyo ang lalamunan nya nang bumaba ang tingin nya sa may bandang dibdib nito. Nag-iwas sya ng tingin at binalik na lang ang atensyon sa pagkain. Fuck! Focus on the food dumbass!

"Maupo ka na hija. " Saad ni Don Conrado sa apo na sinuklian naman nito ng isang ngiti.

Carly sat in front of him. Nilagyan ng isa sa mga servers ng pagkain ang plato nito.

Nagpasalamat si Carly at sinimulan ng kumain.

"Aren't you bored hijo?"

Napakamot si Train at tinignan ang matandang Don. He was freaking bored! Pero syempre hindi nya sasabihin yun dahil kahit paano ay marunong naman syang mahiya.

Marahang umiling si Train.

"Not really. Wag nyo na po akong alalahanin. " Binuntutan nya ito ng isang ngiti.

"I know you really are hijo. Hayaan mo at papasamahan kita kay Carly na mamasyal. " Nakangiting saad nito.

His eyes landed on Carly. Nakita nyang natigilan ito sa pagkain.

"I hope you wouldn't mind hija. He's still our visitor. "

Hindi sumagot ang dalaga.

"Ay ako Don Conrado free po ako! Pwede pong ako na lang ang sumama kay---"

Pinandilatan ni Train ang biglang sumabat na si Osang na nagtaas pa ng kamay, nasa likod lang ito ni Carly. Tangina, panira talaga! This is his chance to be with Carly for a walk pero mukhang mauudlot pa ata dahil kay Osang!

Mukhang nakuha naman ni Osang ang gusto nyang sabihin dahil bigla itong nagbaba ng kamay.

"Magdidilig pa pala ako ng mga halaman. Go na Ma'am Carly!" Marahan nitong dinutdot ang balikat ni Carly.

Mabuti naman at nakaramdam ito dahil kung hindi ay tutulak nya talaga ito sa lawa kung meron man dito!

Nagsalubong ang tingin nila ni Carly. Nakataas ang kilay nito habang tinitigan sya. On the way she looks at him, para bang alam ng dalaga ang banta nya kay Osang.

Napailing si Carly at iniwas ang tingin sa kanya. Mabilis na napainom ng tubig si Train. Damn! Her stares can make him fucking nervous!

"Wala po akong gagawin mamaya. Kung hindi po pwede si Ma'am Carly ay pwede naman po ako na lang ang sumama kay Sir Train. Hindi po ako busy. " Singit ni Anna na nakaupo sa may gilid nya.

Nilingon nya ang dalaga at sinalubong sya nito ng ngiti.

"Busy ka Anna." Sabat ni Osang.

"Hindi ako busy---"

"Busy ka nga. "

"Mamaya ko pa ulit papainumin ng gamot si Don Conrado kaya masasamahan ko---"

"SABI KO BUSY KA. " May diin na untag ni Osang.

Nakita ni Train na pinandilatan ito ni Osang tulad ng ginawa nya kanina.

Nagtitigan ang dalawa at mukhang walang gustong magpatalo.

Napatingin si Train kay Carly nang bigla itong tumayo. Nagpaalam ito kay Don Conrado at tinignan sya.

"Finish your food, meet me outside. "

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now