Chapter 11

13.6K 462 6
                                    

PINAGMASDAN ni Carly ang condo na tutuluyan nila ni Train. May dalawa itong kwarto, malawak ang living room ganun din ang kusina.

Kung tutuusin ay hindi nya naman kailangan tumira rito dahil may sarili naman syang condo kaya lang ay ipinilit ni Train na rito sya tumira at sumang-ayon naman ang Lolo nya. Katwiran pa ni Train na mag-asawa na sila kaya nararapat lang na sa iisang bubong sila tumira. Ano na lang daw ang iisipin ng mga tao kung magkaiba sila ng bahay?

Tss ano naman ang pakelam nya sa iisipin ng mga tao? Pero hindi na rin sya nakipagtalo at pumayag na lang dahil kagustuhan din ito ng Lolo nya.

"Kailangan ba talaga na magkaiba tayo ng kwarto?" Tanong ni Train.

"Nakalimutan mo na ba na kaya lang ako pumayag na tumira sa condo mo dahil magkaiba tayo ng kwarto?"

Napakamot ito.

Inirapan nya ito at naglakad papunta sa may guest room na magiging kwarto na nya.

"What do you want for lunch?"

"Don't bother. I'm still full. Mag-aayos pa ako ng mga gamit ko. " Untag nya nang hindi ito nililingon.

She went straight to her room. Nasa gilid ng kama ang mga luggage nya. Nilibot nya ang tingin sa buong kwarto. Malaki ang kama, may walk in closet at malawak naman ang kabuuan. Wala itong sariling bathroom kaya yung sa labas ang gagamitin nya. She doesn't have issue with that, hindi naman sya mareklamo.

She changed in an oversized shirt and a shorts and fixed her hair in a messy bun. Sinimulan nyang ayusin ang mga damit nya at nilagay yun ng maayos sa closet.

Kailangan nya pa bumalik sa condo nya para kuhanin ang gamit nya like her shoes, bags and clothes. It will be practical if she sell her condo at yun ang gagawin nya. Wala na rin naman gagamit nun, maaalikabukan lang.

Nagpunas ng pawis si Carly at pagtapos nya sa may closet ay lumabas sya para kumuha ng walis. Hindi nya nakita si Train sa labas, its either he's in his room or he left. She shrugged and went back to her room.

Nagtagal din si Carly sa paglilinis kaya pawis na pawis sya ng matapos. Kailangan nya talaga pumunta sa mall para makabili ng bedsheets and some stuffs for her new room.

She just want her personal space to be neat and calm-looking.

Naupo si Carly sa kama. Magpapahinga muna sya ng sandali bago magtungo sa bathroom para maligo.

She slowly lie on her bed. Naalala nya yung naganap na kasal nila ni Train. It was a civil wedding. Ang tanging naroon lang ay siya, si Train, ang magkakasal sa kanila, ang Lolo nya, Daddy ni Train, si Anna at si Kallil.

Nagkaroon ng maliit na celebration sa may mansyon. Her Lolo wanted a grand wedding for them so as Train's father. But what's with the use of that if they only married each other for convenience?

Napailing sya. Itinaas nya ang kamay at nakita ang wedding ring nila ni Train. She's now Mrs. Carly Salvatore.

Nakita nya kung gaano kasaya ang Lolo nya sa kasal nila ni Train at sapat na yun para sa kanya. Narealized nya na tama ang naging desisyon nya.

She sighed.

Carly fell asleep. Nagising na lang sya nang may marinig na katok mula sa pintuan nya.

Hindi tuloy sya nakaligo dahil nakatulog sya. Tumayo sya at binuksan ang pintuan. She saw Train, smiling widely to her.

"Let's have our lunch. Nagtake-out ako. "

Nakaramdam sya bigla ng gutom. Napagod siya sa ginawa nya kanina kaya ngayon ay nararamdaman na nya ang gutom.

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now