Chapter 9

13K 443 25
                                    

NAKANGITING pumasok si Train sa loob ng mansyon. Makikita nya na muli si Carly matapos ang dalawang araw! Yes, hindi agad sya nakabalik dahil kailangan nyang asikasuhin si Elaine.

Ayon kay Luan ay madalas nya itong makita sa may bar at naglalasing. Isang beses lang itong nilapitan ni Luan dahil sa tuwing nakikita sya ng dalaga ay ito na mismo ang kusang umiiwas. For what reason? Train doesn't know neither Luan.

"Sir Train! Nakabalik ka na pala!" Masiglang saad ni Osang nang makita sya.

Tinanguan nya lang ito at nagpatuloy sa loob.

Dumiretso sya sa living room at agad nyang nakita roon ang matandang Don at ang nurse nito na si Anna.

"Magandang umaga po Don Conrado. " Magalang nyang bati rito.

Lumingon ang Don at agad na napangiti nang makita sya.

"Ikaw pala yan hijo. Mabuti at nakabalik ka na. "

Tinuro nito ang bakanteng upuan at agad naman syang tumalima at naupo.

"Pasensya na po kung ngayon lang ako. May inasikaso lang po ako. "

"It's okay hijo. Hindi mo kailangan magpaliwanag. "

Nilingon nito ang isang kasambahay at inutusan na kumuha ng maiinom.

"Nakapag almusal ka na ba?"

Tumango sya. Kumain na sya kanina bago bumiyahe. Pinauna nyang umuwi si Nato at nagdala na sya ng sariling sasakyan.

"Si Carly po?" Lumingon lingon pa si Train, umaasang makikita nya ang dalaga.

Ibinalik nya ang tingin sa matanda nang hindi agad ito nakasagot sa tanong nya. Napansin nya ang alanganing ngiti na iginawad nito sa kanya.

"Medyo busy pa si Carly ngayon hijo. Mamaya ay makikita mo rin sya. "

Magalang syang tumango. Busy? Anong pinagkakaabalahan nito?

"Mauna muna ako sa itaas at nananakit ang likod ko. "

Dahan dahang tumayo si Don Conrado na agad naman inalalayan ni Anna. Nakialalay na rin si Train nang makitang nahihirapan itong tumayo

Osang cleared her throat.

"Sa balakang ni Don Conrado ang hawak Anna, hindi sa kamay ni Sir Train. " Mahinang untag ni Osang na rinig nya naman. Napatingin si Train sa kamay ni Anna na nakahawak na pala sa kamay nya. Mabilis naman nito iyong binawi.

"P-pasensiya na. " Mahinang bulong nito. Hindi nya alam kung para sa kanya ba yun or kay Osang.

Inalis na rin ni Train ang pagkakahawak sa matanda. Mukhang hindi nito narinig ang sinabi kanina ni Osang. Inalalayan ito ni Anna papunta sa may lift. May sarili itong lift para hindi na mahirapan sa pag akyat. Oo ganun kayaman ang mga ito.

Tinalikuran ni Train si Osang.

"Saan ka pupunta Sir?"

"Pupuntahan ko si Carly. " Sagot nya nang hindi ito nililingon.

"Ay bet nyo maging third wheel?"

Napahinto sya nang marinig iyon. Third wheel?

Nakakunot noo na nilingon nya si Osang

"Anong third wheel?"

Ito naman ngayon ang kumunot ang noo.

"Third wheel, paano ko ba ieexplain yun?" Umakto itong nag iisip.

"Basta yung panggulo! Yung manhid na hindi makahalata na dapat umuwi na lang sya!"

His forehead creased.

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now