Chapter 24

14.2K 455 32
                                    

PATULOY na pinagmasdan ni Train ang asawa mula sa kinauupuan nya. Mariin ang tingin nya kay Carly habang nakikipag usap ito sa ilang bisita ng Lolo nito.

He put back the wine on the table when he felt a pat on his shoulder.

"Matunaw yan. " Nakangising saad ni Silver at umupo sa katabi nyang upuan.

Nagtaas sya ng kilay.

"What are you doing here? Did Lolo Conrado invite you?"

"Hindi, pero invited sila Declan kaya inimbitahan ko na rin yung sarili ko. " Silver smiled.

"Tss, hindi ka pala invited. Wala ka dapat dito."

"Wow! Akala mo invited sya! Hindi ka nga inimbita ni Carly. " Nang aasar na untag nito.

"Pupusta ako, hindi mo rin alam na birthday pala ng Lolo ng asawa mo!"

Inungusan nya ito at sinamaan ng tingin. Napangisi naman si Silver.

Hindi nya talaga alam na birthday pala ng Lolo ni Carly. If only he knew, he brought a gift for the old man.

"Who's that guy? Your wife's best friend?" Hindi na nya nilingon si Silver para alamin kung sino ang tinutukoy nito.

"He's an asshole. " Nagtagis ang bagang nya habang nakatitig pa rin sa asawa nya at kay Kallil na nasa tabi nito.

"Why don't you go there? Sa tingin ko ay ikaw dapat ang kasama ng asawa mo. " Silver suggested.

"Good idea. " Tumayo si Train at inisang lagok ang alak bago iniwan si Silver at naglakad patungo sa asawa nya pero bago pa syang tuluyang makalapit dito ay agad na may humarang sa kanya.

"Ano itong naririnig ko na may alitan daw kayo ng asawa mo?" Mariing tanong ng ama nya nang makalapit ito sa kanya.

"It was just a simple misunderstanding Dad. " Sagot nya habang ang mga mata ay nakatuon pa rin sa asawa na hanggang ngayon ay nasa tabi pa rin ng anak ni Alena at Ybarro.

Subukan mong hawakan ang asawa ko! Tatadyakan kita pabalik ng encantadia!

"A misunderstanding, my ass!"

"Yeah, you got a dirty wrinkled ass." He said nonchalantly.

Napadaing si Train nang maramdaman ang paghampas sa braso nya. Handa na sana sya magreklamo sa ama pero agad syang natigilan nang makita ang masamang tingin sa kanya nito.

Napangiwi sya at hinimas na lang ang nasaktan na braso.

Totoo naman na kulubot na ang pwet nito!

"Kailangan mo ba talagang sabihin yan? Paano kung may nakarinig sayo?!" Singhal nito sa kanya habang palingon lingon.

"Bakit Dad? Inaamin mo na kulubot na ang pwet mo?" Masamang tingin ang natanggap nya rito.

"We're talking about your wife, not my ass, dumbass! Wag mong iligaw ang usapan!" Gigil na saad nito.

"Tss, don't worry about it. I will fix it. "

"Siguraduhin mo lang Train dahil kapag iniwan ka ng asawa mo, magpaalam ka na rin sa mana mo. " He threatened.

"This is not about the money Dad, this is not about the wealth. Aayusin ko ang gusot namin ni Carly hindi dahil sa mana ko. Kung gusto mo sayo na lahat iyon, I don't give a damn. I still have money and connections, in case you forgot. " Mariin ang bawat salitang binitawan nya.

Nilagpasan nya ang Daddy nya na bahagyang napaawang ang bibig dahil sa speech nya.

He went to Carly and immediately encircled his arm on her small waist.

Taming The HeiressWhere stories live. Discover now