5

1.7K 86 3
                                    


Iminulat ni Margo ang kaniyang mga mata, pinagmasdan niya ang paligid at napatingin na rin sa orasan. Alas dos na ng madaling araw, nawala na rin ang kaniyang antok mula sa pagkakaidlip. Bumangon na siya sa sofa upang humanap ng pagkain. Not even a single food. Himutok ng isipan niya at napahawak sa kumakalam na sikmura.

Isang malamig na bangkay si Antonio, naging maputla ito dahil sa pagkaubos ng dugo. Napagpasiyahan ni Margo na umupo sa bakanteng upuan malapit kay Antonio. Nakuha ng kaniyang atensiyon ang nagkalat na bala sa mesa, napasimangot ang magandang mukha at inayos ang kalat. Kinuha niya ang pakete ng sigarilyo, kumuha ng isa at sinindihan. Binugahan niya ng usok ang mukha ni Antonio, nababagot na inayos din ang nagkalat na papel.

May mga nagkalat na dugo sa mga papel. Isang itim na notebook ang nahagip ng kaniyang mata. Hawak ng kanang kamay ni Antonio ang itim na notebook, nilapitan niya ito habang nakaipit sa dalawang daliri ang umuusok na sigarilyo. Marahang kinuha ni Margo ang itim na notebook mula sa pagkakaipit sa kamay ni Antonio. "Bakit ba kayo ganyan ka-cliché?" turan niya sa bangkay. Napangiti na lang siya sa pagkabagot.

Sa naiinip na mukha, itinapon niya ang umuusok na sigarilyo sa nakabukang bibig ni Antonio at ginawang ashtray ang malamig na bangkay. Tiningnan niya ang mga pahina, nabasa niya ang mga nakalistang pangalan at may nakatagong susi sa loob ng notebook. Kinuha niya ito at pinagmasdan, kumislap pa ang dulo nang tinamaan ng ilaw. Sa unang tingin pa lang, nahulaan na niya para saan ang susi. "Criminals so predictable," nababagot na turan ni Margo.

Tinabig niya ang malamig na kamay na tumatabing sa drawer, ipinasok ang susi, pinihit, at gaya ng inaasahan, may isang envelope na naglalaman ng mga larawan. Sinipat ni Margo ang mga larawan. Maraming karumaldumal na mga imahe ang nakikita, gaya ng mga pinatay, mga hubad na batang babaeng umiiyak, at iba't ibang uri ng duguang katawan. Bata, matanda, lalaki, at babae, lahat ay kasama sa mga larawan ng paghihirap na nilalaman ng sobre.

Kinuha niya ang notebook at ang envelope at naghanap si Margo ng mapaglalagyan. Nahagip ng kaniyang mata ang isang lalagyan na nasa tabi ng mesa, kinuha ang briefcase na pag-aari rin ni Antonio. Tiningnan din niya ang mga nakatagong salapi ngunit hindi man lang siya nagpakita ng interes sa napakaraming bungkos ng pera. Napagpasiyahan niyang lumayo ngunit may isang malamig na bakal ang tumutok sa kaniyang likuran.

Naramdaman ni Margo ang malamig na bakal sa leeg at napangiti na lang siya sa naiisip. Hindi niya napansin na may nakapasok na pala sa loob dahil abala siya sa pagbabasa ng notebook. "I thought I killed you all, may natira pa pala," walang emosyong turan ni Margo. Umihip ang malamig na hangin na nagmumula sa bintana at naging tahimik ang paligid sa pagtila ng ulan.

Tanging ang ilaw sa silid ang gumagabay at nararamdaman ang mabilis na paghinga ng taong nasa likod ni Margo. Hindi sanay humawak ng baril ang taong nasa likod niya dahil nanginginig ito. Naririnig din ang malalim na paghinga at nagpapahiwatig ng takot, kahit may hawak na baril.

Pumihit si Margo paharap at hindi sinasadyang madurog ang kaniyang puso sa nakita. Isang batang babae ang nasa harapan, mahigpit na nakahawak sa baril, may pasa sa mukha, at nakikita rin na may marka ng karayom sa braso at mga ugat. Tanging manipis na saplot na may bahid na mantsa ng dugo at upos ng sigarilyo ang suot niya. Walong batang babae ang nakatayo sa loob ng silid.

Nakikitaan sila ng edad na nagmumula sa siyam hanggang labintatlong taong gulang. May kolerete ang kanilang mga mukha, at maninipis din ang kanilang suot na bestidang puti na naaninag ang kanilang musmos na katawan.

Nakaramdam ng matinding awa si Margo sa nakita, hinawakan niya ang nakatutok na baril at dahan-dahang binaba. "Huwag kang matakot... hindi kita sasaktan," banayad na turan niya. May mga pasa sa mukha ng batang babae at may mga pantal din sa katawan. Nakitaan ng takot sa mata nito at pagkalito nang tumingin kay Margo.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon