56

745 61 33
                                    


Napabalikwas si Sophia sa higaan, pawisan ang noo, tuyo ang lalamunan at napakabilis nang tibok ng kaniyang puso. Panaginip lang, nanaginip lang ako, pagkukumpirma ng kaniyang isipan. Ilang beses na huminga ng malalim, iginala ang kaniyang paningin sa loob ng kwarto para masigurong hindi ibang lugar ang kaniyang kinaroroonan.

Makulimlim ang ilaw sa kaniyang silid. Isang lampara ang nakapatong sa maliit na mesa na katabi ng higaan, gumagalaw ang kurtinang puti sa pagpasok ng hangin at napakatingkad ang liwanag ng buwan.

Tumayo si Sophia, lumapit sa mesa at ininom ang isang basong tubig, pinunasan niya rin ang pawis sa kaniyang noo, bahagyang nilamig ang nang umihip ang hangin, umalon-alon ang puting bestida na pantulog ni Sophia nang haplusin ng banayad na hangin. Bumuntong hininga ng malalim at sinimulan nang mangumpisal.

Simula nang sabihin sa akin ni Margo ang kaniyang nararamdaman, natatakot ako ngunit hindi ko maunawaan kung bakit natutuwa ang puso ko. Hindi tama ang gusto niyang mangyari, maari niya akong mahalin kahit hindi ko suklian ang kaniyang pagmamahal. Tama bang mahalin ang isang tulad ko? Bakit ako ang gusto niya? Kasalanan ba ang mapalapit sa kaniya?

Saglit na itinigil ni Sophia ang kaniyang pagsusulat, nahihirapan ang kaniyang kalooban, nagiging tuliro ang isipan na binabalot ng pangamba ang puso nito.

Bakit ako pa Margo? Kasalanan ito sa diyos. Huwag mo ako mahalin dahil hindi ko alam kung sino sa atin ang masasaktan. At may isang puwang sa puso ko na ayaw ko na makita kang nasasaktan. Iiwasan na kita hangga't maaga pa.

Tuluyang itinigil na ni Sophia ang pagsulat sa kaniyang notebook. May nangingilid na luha sa kaniyang mga mata, agad niya itong pinahid at pilit na pinipigilan ang paghihirap ng kalooban.

Pinanindigan ni Sophia ang kaniyang desisyon na iwasan si Margo. Tuwing nagkakasalubong sila sa pasilyo ay siya mismo ang umiiwas at dumadaan sa ibang lugar. Hindi rin nito kayang salubungin ang mga mata ni Margo.

"Sister Sophia..." mahinang tawag ni Sister Claire nang makasalubong sa pasilyo. Katatapos pa lang magdasal si Sophia, araw-araw na siyang nagdararasal bilang penintensiya o pagpaparusa sa kaniyang sarili.

"A-ano po yun? Sister Claire?" Nakangiting pahayag nito.

Ngumiti si Sister Claire, edad kuwarenta anyos, maputi, matangkad at may suot na salamin. " Pwede ba kitang pakiusapan? Maari ka bang magturo ngayon sa mga bata? There is a meeting at San Isidro. I need to go there for the new chapel and Father Castro ask me to assist him in a ceremonial opening of the church. "

"Huwag po kayong mag-alala Sister Claire, ako na po ang bahala."

Natuwa naman si Sister Claire sa narinig, mas naging malapad ang mga ngiti ng nakatatandang madre. "Thank you, Sister Sophia, you are an angel."

Nahagip ng mga mata ni Sophia si Margo na naglalakad papunta sa kanilang direksyon. Nasa likod ito ni Sister Claire at papalapit. Nakalugay ang buhok ni Margo, nakasuot ng asul na blusa at pencil skirt. Umaalingawngaw ang mga yabag ng black stilettos sa pasilyo.

Namutla si Sophia sa nakita, ilang metro na lang ang paglapit nito. "M-mauna na po ako...Sister Claire," paalam ni Sophia na nakayuko.

"Thank you again...Sister Sophia." Tumango si Sister Claire at hinayaan na ang nagmamadaling si Sophia. Daig ang naiihi dahil nagmamadaling binilisan ang paglalakad, umakyat sa hagdanan papunta sa kaniyang silid.

Ilang araw na ang lumipas sa pag-iwas ni Sophia at pagpapatuloy ng penitensiya ng dasal. Nakakahinga na rin ng maluwag si Sophia dahil hindi niya rin madalas nakikita si Margo ngunit may isang bahagi sa kaniyang puso ang nalulungkot.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon