8

1.4K 90 8
                                    


Nakatuon ang mata ni Margo sa screen ng laptop. "That's fine, Diana. Just leave the papers," tugon niya sabay ngiti sa matanda.

"Alam niyo ba, Miss Sinclair, kamukhang-kamukha mo talaga ang lola mo... her eyes were brown. Magkaiba kayo ng mata pero magkahawig talaga kayo," inalala ni Diana ang panahon noong nagsisimula pa lang siya bilang isang working student at bago pa lang siya sa kumpanya.

"Talaga? Well, you're not the only one who has told me," naaaliw na tugon ni Margo. Kung alam lang ni Diana na iisa lang ang naaalala, hindi na siguro ito magtataka.

Pagkaalis ni Diana, uminom na lang si Margo ng kape. Sinandal ang likod sa upuan, ipinikit ang mga mata habang ang sinag ng araw ay pumasok sa bintana ng opisina. Napagpasiyahan niyang puntahan ang walk-in closet na nasa loob ng opisina. Namili siya ng damit dahil masyadong elegante ang suot niya para mamasyal. Napili niyang isuot ang isang blue hooded jacket dahil umaambon sa labas.

"Diana, can you cancel all my appointments?" utos niya sa sekretariya mula sa intercom. "Okay naman, Miss Sinclair, as of now wala kang appointment ngayong araw."

Napatango si Margo sa narinig. "That's wonderful. I'll go now. See you later, Diana." Inayos muna niya ang mga gamit bago umalis. Naglagay siya ng isang libro sa maliit na tote bag at inilagay din ang kanyang personal na gamit.

++++

Maaaring piliin ni Margo ang isang mamahaling lugar o tahimik na paligid, ngunit pinili niyang manatili sa isang Diner, nakaupo malapit sa bintana kung saan isang lalaki ang abalang naglilinis at nagpupunas sa labas.

Ang Diner, na nasa gitna ng maingay at maliwanag na lungsod, ay dinarayo ng mga estudyante, empleyado, at mga trabahante tuwing umaga, at nagiging pugad ng mga bayarang babae sa gabi.

Tumunog ang bell sa pintuan bilang tanda ng pagdating ng isang kustomer. Isang lalaki na may mga gintong alahas sa leeg, kamay, at singsing ang pumasok at umupo malapit sa counter.

"Paps! Isang beer nga!" utos niya sa serbidor na abala rin sa pagpupunas ng baso. Simple lang ang pananamit ni 'Paps,' mahilig sa puting t-shirt, pantalon, at mataba ang pangangatawan. Tahimik niyang inabot ang isang malamig na beer at nagpatuloy sa pagpupunas ng baso.

Biglang tumunog ang cellphone ng lalaki at agad niya itong sinagot. "Oh! Pare! Napatawag ka?!" napakalakas ng kanyang boses kahit na naririnig naman ang kausap.

"Ano ka ba naman, pre! Ako na maghahatid ng package! Relaks ka lang!" Ang boses niya ay umalingawngaw sa buong diner, at isang kolehiyala ang napairap dahil sa ingay.

"Ibabalot ko mamaya, ako maghahatid! Ano?! Gago!" Tinawanan niya at minura pa ang kausap sa telepono. "Ilan ba? Tang-ina! Kayang-kaya yan! Ipapasok ko sa karton! Kayo na bahala! Da best ang ibibigay ni boss!"

"Kuripot ba boss mo?! O?! Sige, paghatian niyo na lang!" Sinandal niya ang siko sa counter at tumawa ng malakas habang nagmumura. Ang tawa niya ay nakakairita sa pandinig, napakalakas at parang kontrabida sa teleserye na pwedeng maging Satanas. "Sige pare! Kita tayo mamaya! Deliver ko yung bagahe! Oh! Kita tayo mamaya!" Saad niya sabay dighay.

"Anong oras?! Ganun ba?! Matagal pa pala! Handa ko na lang mamaya! Kita tayo! O sige! Oo na! Gago ka!" Tumawa ulit at binaba na ang cellphone. Uminom siya ng beer, sumandal sa counter habang ang isang kamay ay hawak ang bote. Pinagkabalahan niya ang isang hintuturo at nagtanggal ng tinga. Sinipsip niya ang laway mula sa pagitan ng kanyang mga ngipin.

Iginala ng lalaki ang kanyang tingin sa loob ng diner hanggang sa nahagip ng kanyang mata ang isang babaeng nakaupo malapit sa bintana at abalang nagbabasa ng libro. Tiningnan din niya ang mga daliri ng babae na tila mga kandila sa hawak nitong libro. Sinubukan niyang masdan ang mukha nito, ngunit hindi niya ito makita dahil sa pagkakayuko.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon