32

954 66 9
                                    


Humikab pa si Aveline, tirik na rin ang araw. Lumingon siya sa kanyang katabi at palihim na sinulyapan si Margo.

Naalala niya ang unang tagpo ng kanilang pagkikita, ang gabing ninakawan niya ng halik, at namula si Aveline sa naalala. Nakatutok pa rin sa daan si Margo, abala sa pagmamaneho ng kotse.

Ibinaling niya ang atensiyon sa bintana, nakita ang sarili sa salamin. Biglang namula ang mukha niya, inayos ang butones ng kanyang damit dahil may isang bahid na pula sa kanyang leeg. Maraming pantal sa katawan ang natanggap ni Aveline, dahilan para mapuyat siya.

Ibinaling na lang niya ang pag-aayos sa kanyang uniporme, napangiti siya sa suot niya. Kung noon kailangan laging maikli ang kanyang damit, ngayon naman ay nababalot ang kanyang katawan. Inayos ang tupi ng puting blusa, ang paldang itim na lampas tuhod ay marahang pinagpagan, at pinunasan ang itim na sapatos.

"Have you been studying?" maya-maya'y tanong ni Margo habang nakatutok sa daan.

"Oo naman," nakangiting tugon ni Aveline.

"May exam ka ba ngayon?" seryosong tanong ni Margo.

"Wala naman, Margo," kaswal na sagot ni Aveline.

Bahagyang lumingon si Margo sa gawi ni Aveline. "Napuyat ba kita?"

"Hindi naman, dalawin mo ako hah. Sex ulit tayo," walang anumang paanyaya ni Aveline at ngumiti.

Mahinang tumawa si Margo, mukhang inimbatahan lang siya mag-kape. "If it won't affect your grades...we shall have sex."

"Sige." Malapad na ngumiti si Aveline.

Nakarating na rin sila sa eskwelahan. Nakita ng guwardiya ang paparating na Lamborghini at binuksan ang gate. Ipinasok na lang ni Margo ang kotse para hindi maging abala sa kalsada, kinabahan bigla si Aveline dahil ayaw niyang pagtitinginan siya ng mga tao.

"Margo, pwede pakitabi mo na lang doon?" pakiusap ni Aveline, itinuro ang dulo ng parking lot, napagpasiyahan niyang lakarin na lang.

"I'll walk you to your class." Hininto na ni Margo ang kotse.

"Hah? Huwag na lang...maaabala pa kita," mariing tutol ni Aveline, kinabahan na siya. Ayaw niyang pagpiyestahan si Margo ng mga tao, madalas takaw tingin ito baka uminit na naman ang ulo niya na siyang kinababahala ni Aveline. Nag-aalala rin siya dahil nakakaabala na siya kay Margo.

"Why?" tanong ni Margo habang itinigil ang sasakyan sa tapat ng gusali.

"Naabala na kita masyado," kabadong sagot ni Aveline.

"It's fine." Komportableng wika ni Margo at ngumiti. Nahulog ang puso ni Aveline sa ngiti. Lumabas na siya sa kotse at sumunod si Aveline.

"Where's your class?"

"Andoon sa dulo, malapit sa cafeteria." Itinuro ni Aveline kay Margo habang hawak-hawak niya ang kanyang libro. Nauna nang naglakad si Margo at sumunod sa likod si Aveline.

Habang naglalakad, nakayuko lang si Aveline, namumula ang kanyang mukha parang bata na hinahatid ng nanay ngunit hindi nito kinakahiya ang pagsabay ni Margo. Kung noon sanay na siya sa mga iba't ibang uri ng panghuhusga na nagmumula sa bawat mata, ngayon naman ay hindi siya nasasanay sa paghanga ng mga tao.

Tumigil sa paglalakad si Margo at lumingon kay Aveline, malayo at nakayuko ito habang naglalakad. Hinila niya ang kamay ni Aveline at sabay na silang naglakad na hawak-kamay.

"Nahihiya ka ba na kasama ako?" tanong ni Margo habang hawak ang kamay ni Aveline. Bigla siyang napaangat ng tingin. "Hindi! Hindi sa ganun...gusto ko na kasama kita," paliwanag ni Aveline.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon