53

660 62 22
                                    


"Ride the train traveling to West Avenue then you can stop at Fermosa Station," paliwanag ni Sister Theresa kay Sister Sophia.

"Huwag po kayo mag-alala, mapupuntahan ko po ang lugar."

Malugod na napangiti si Sister Theresa. "I wish I can accompany you, Sister Sophia."

Pareho silang nakasakay sa bus. May pupuntahang Rehabilitation center si Sister Theresa at boluntaryo namang nag-aasikaso si Sophia sa Home for the aged. Ang mga madre ay lumalabas ng kumbento upang maglingkod sa nangangailangan. Naatasan si Sophia na pumunta sa lugar na pinamamahalaan ng monasteryo.

"Call me if you will require anything," bilin ni Sister Theresa. Nasa edad singkwenta anyos na ang madre, bilugan ang pangangatawan at nakikitaan lagi ng masayahing mga ngiti. Hindi niya maiwasan mag-alala dahil unang beses na malayo ang pupuntahan ni Sophia. Nagkapalit sila ng lugar na pinagsisilbihan kaya tinuturuan ni Sister Theresa ng direksyon si Sophia.

"Opo, Sister Theresa. Huwag po kayo mag-alala tatawagan ko po kayo," nakangiting tugon niya sa nakakatandang madre.

Dinadala lang ng mga madre ang importanteng bagay, hindi rin maiwasan na gumamit ng cellphone sa labas ngunit iniiwanan nila ito sa tagapangalaga ng mga gamit sa kumbento kapag nasa loob na sila ng monasteryo. Madalas na simple lang ang mga madre. Tanging rosaryo at maliit na bibliya ang personal na gamit ni Sophia.

"Oh! Yung dadaan sa Santa Cruz!" anunsiyo ng konduktor sa pagtigil ng bus.

"Santa Cruz! Santa Cruz!" sigaw ulit ng konduktor. Nagsipagtayuan na ang mga pasahero na kailangan bumaba sa Santa Cruz at kasamang tumayo si Sister Theresa.

"I'll go ahead now, Sister Sophia. God be with you," paalam ng nakatatandang madre.

"Mag-ingat po kayo Sister Theresa, patnubayan po kayo ng diyos," pahayag niya na may ngiti. Tumango si Sister Theresa at kumaway bago lumabas ng bus.

Umakyat ang mga bagong pasahero at may matandang lalaki na tumabi sa madre. Nagpunta naman sa c.r ang driver at pumasok ang mga tindero para maglako ng mga paninda sa loob mismo ng sasakyan.

Itinuon na lang ni Sophia ang paningin sa labas ng bintana. Nakikita niya ang mga dumaraang sasakyan at mga taong naglalakad sa kalsada.

"Hopia! Mani! Popcorn!"

"Palamig kayo diyan!!"

"Pastillas! Pastillas!"

"Mani! Mani! Mainit pa at masarap ang mani!"

"Itlog kayo diyan!"

Kaniya-kaniyang alok ang mga nagtitinda at nakulob ng amoy ang loob ng bus. Nalalanghap ang bagong lutong mani, ang popcorn na lasang keso at pati na rin ang tamis ng pastillas. Agad bumaba ang mga tindero nang nakabalik na ang drayber at nagsimula na rin umandar ang bus.

Sa mabilis na pag-andar ng bus nakatingin si Sophia sa kable ng mga kuryente sa gilid ng kalsada at malayang tinatanaw ang mga ibong maya. May nakitang bahaghari sa mga ulap at hindi maiwasang gumuhit ang ngiti sa kaniyang mukha.

Kinuha ni Sophia ang kaniyang bibliya sa loob ng bag at nagsimulang basahin ang isang pahina.

1 John 4:18-19 NIV 18 There is no fear of love. But perfect love drives out fear because fear has to do with punishment. The one who fears is not made perfect in love. 19 We love because he first loved us.

Kinuha ni Sophia ang rosaryo para magdasal ngunit naudlot dahil sa ingay. May dalawang pasahero sa likod ni Sophia ang nagkukuwentuhan habang ang katabing matandang lalaki ay tahimik na natutulog.

"Puta! Poser yan dyowa mo! Tang-ina! 3 months na kayo hindi mo pa nakikita pagmumukha." Naiiling na turan ni Rosita sa kaniyang kaibigan. Parehong highschool ang dalawang pasahero. Ka-text naman ni Monica ang kaniyang boyfriend.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon