23

1.1K 75 3
                                    


Sa TRENTON HOTEL, ang maligamgam na tubig mula sa tub ay umaapaw sa bula, at nalalanghap ang bango ng strawberry at vanilla mula sa nasindihang kandila. Kinuha ni Margo ang isang basong alak sa kanyang tabi, ipinikit ang kanyang mga mata habang nakalublob sa tubig. May marahang yabag ang papalapit sa kinaroroonan niya habang nakapikit ang kanyang mga mata.

"Mamaya ka pa ba aahon?" tanong ni Aveline. Umupo siya sa sahig malapit sa bathtub, nakasuot ng puting robe at katatapos lang maligo. Sinandal niya ang braso sa rim ng tub.

Iminulat ni Margo ang kanyang mga mata. "Do you want to join me?" paanyaya niya. Umusog siya, at ngumiti naman si Aveline sa alok.

Tumayo si Aveline malapit sa tub, nakaharap kay Margo habang ito ay nakatingala. Dahan-dahang tinanggal niya ang suot na robe, tuluyan nang dumulas ang tela pababa sa kanyang hubad na katawan at nilusong ang paa sa tubig. Umapaw ang tub sa kanyang paglusong.

Niyakap niya si Aveline mula sa likod, isinandal niya ang ulo sa dibdib ni Margo. "You danced pretty well," bulong niya. Namula naman ang pisngi ni Aveline sa papuri.

"Kailangan pa talaga may piring ako sa mata?" tugon ni Aveline na nakangiti. Bahagyang lumingon kay Margo, sinipat ang napakakinis na leeg, at hindi niya tuloy naiwasang bigyan ng isang damping halik.

"If you knew it was me, would you still dance?" tanong ni Margo.

"Oo naman," walang pag-aalinlangang sagot ni Aveline habang pinaglalaruan ang tubig sa harapan. "Margo."

"Hmm?" tugon ni Margo.

"May iba ka pa bang ka-sex bukod sa akin?" isang tanong na maaring masaktan ang puso ni Aveline sa makukuhang sagot. "Pwede mong huwag sagutin kung ayaw mo. Joke lang ha, baka mainis ka."

"I've had a series of casual sex with girls and men in the past," kaswal na wika ni Margo. Nakasandal ang ulo ni Aveline sa dibdib, pinadausdos niya ang kanyang katawan sa ilalim ng tubig hanggang sa mukha na lang ang nakaangat sa tub. "Ganun ba," may lungkot sa mga mata na tugon, isinara niya ito upang maitago ang paglamlam ng tsokolateng mata.

"Why did you want to know?" tanong ni Margo, nakayakap kay Aveline.

"Wala lang," mahinang sagot ni Aveline at nakapikit ang mga mata. Gumalaw siya at sumandal kay Margo, bahagyang umapaw ang tubig nang gumalaw ulit sila at magkapantay na ang kanilang balikat. Hinawakan niya ang pisngi ni Margo habang nakatagilid paharap. "Namiss kita," masuyong bulong niya. Hindi na hinayaan ni Margo na magsalita pa siya dahil sinakop na ni Aveline ang bibig ni Margo sa halik, hinawakan ang mga pisngi, at idinaan na lang sa halik ang nararamdaman.

Dinilaan ni Aveline ang mabangong tainga ni Margo, ginalugad ang buong hugis at hinaplos ng bibig ang leeg ni Margo. Pinahimlay ang mga kamay sa buhok nito, naging mainit ang mga halik ni Aveline sa kapusukan.

"Do you prefer men over girls?" bulong ni Margo, marahan niyang sinisipsip ang tainga ni Aveline.

Napatawa si Aveline sa kabila ng mahinang ungol, kinagat ang balikat habang nakakandong kay Margo. "Ano ka ba? Kamay mo pa lang sulit na ako," walang halong pagkukunwari ang papuri niya sa pagiging eksperto nito, tanging kay Margo lang tumutugon ang init na nararamdaman niya sa katawan.

Ang tunog ng mga labi at ang espadahan ng kanilang dila ang nangingibabaw na musika sa katahimikan. Tanging ang liwanag na nagmumula sa mga kandila ang saksi sa himig ng bawat halik, at ang makinis na likod ni Aveline ang namamataan sa pagsilip ng buwan sa bintana.

12:00 AM

Mahimbing ang pagtulog ni Margo, maaliwalas ang loob ng silid at malamlam ang ilaw, nakikita din ang pagsilip ng buwan sa labas ng bintana. Tanging ang kumot ang tumatakip sa hubad na katawan nito. Biglang naging maumbok ang kumot ni Margo at gumagalaw habang natutulog. Tuluyan nawala ang antok ni Margo. Napatingin ito sa ilalim ng kumot at nakitang abala ang labi ni Aveline na humahagod sa kaniyang katawan. Kasabay nang paghampas ng daliri ng orasan ay naging mabilis ang paglakbay ng dila ni Aveline sa pagitan ng hita. Napaungol na lang si Margo sa ginagawa nito. Nanghina at hinayaan na lang si Aveline sa loob ng kumot.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon