35

853 70 12
                                    


"Good morning, Miss Sinclair," bati ng sekretarya, na may pagtataka sa mukha habang nakatitig pa rin kay Margo.

"Good morning too, Diana," nakangiting tugon ni Margo. Nakaupo na si Margo, inaayos na ang mga papeles sa ibabaw ng mesa.

"M-may lagnat po ba kayo, Miss Sinclair?" pagtataka ng sekretarya sa kakaibang ugali ni Margo Sinclair; madalang lang ito ngumiti, kaya nag-aalala si Diana.

"I'm fine, Diana. Thank you for asking. Please prepare the charts for the annual reports, and set me a meeting with Goldberg Industries," magiliw na sagot ni Margo.

"Would that be all, Miss Sinclair?" tulirong sagot ni Diana.

"Yes..." wika ni Margo, hindi namamalayan ang pagtataka sa mukha ni Diana.

Tumango si Diana at nagpaalam. "I'm going now, Miss Sinclair."

"Oh... by the way, Diana. Nice weather today," pahabol na sambit ni Margo.

Napatigil ang sekretarya bago lumabas ng pinto, lumingon kay Margo at pilit na ngumiti. Nakita niya ang pagpunit ng kidlat sa langit. "Ah, oo nga po. Ang ganda ng panahon," pag-sang-ayon na lang nito.

++++

"Aveline, you have been a passionate chef," nakangiting papuri ni Mrs. Poulain.

"One of the customers wants to see you. Maari ka bang makausap?" masayang pagbabalita rin ni Mrs. Poulain.

"Okay lang po," nakangiting tugon ni Aveline.

"She's on table three. She is waiting there." Sinamahan na siya ni Mrs. Poulain palabas ng kusina.

Iginala ni Aveline ang paningin sa loob ng restaurant. Nakita ang hinahanap at hindi naiwasan na kumunot ang noo niya. Mag-isang nakaupo si Ophelia Veron, may hawak ng baso ng alak at nakangiti ito.

"Miss Veron?" Nagtatakang lumapit si Aveline.

"Please take a seat," itinuro ni Ophelia ang bakanteng upuan.

"Bakit ka nandito?" Umupo si Aveline sa harap niya.

Hindi pinansin ni Ophelia ang tanong. "Would you like a drink?" Nagsalin siya ng alak at marahang itinulak ito sa dako ni Aveline.

"I got bored...that's why I'm here. You have a talent in cooking. You taste good," isang papuri ni Ophelia na may kasamang ngiti. May ibinigay din siyang kaunting malisya sa kaniyang binanggit.

"Salamat. Maari na ba akong umalis? Ma-may trabaho pa kasi ako," nag-aatubiling sagot ni Aveline. Matamang tinitigan siya ni Ophelia, at natunaw naman si Aveline; kakaiba ang mata ni Ophelia, masiyadong nanunuot. Nginitian lang siya ni Ophelia nang mapansin ang pamumula ng mukha ni Aveline. "So, how's your school? Did Margo make some improvements?" makahulugang tanong nito.

"Huh?" naguguluhang tugon ni Aveline.

"She didn't tell you? Margo bought your school. Marahil nagtataka ka why I know a lot about you. I got curious. I know about your job," mukhang naaliw pa si Ophelia sa naguguluhang mukha ni Aveline.

"Maari ko bang malaman ang intensyon mo?" hindi maiwasan ni Aveline ang matuliro at magtaka sa mga sinasabi nito.

Eleganteng umangat lang ang gilid ng labi ni Ophelia. "I have no intention to be a villain. I'm interested how it will unfold. Quite a scandal, the great Margo Sinclair is having an affair with a whore," idiin nito ang huling salita.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon