48

651 58 19
                                    


"Dr. Howard! She's awake!" gulat na sigaw ng assistant. Nagmamadaling pumunta si Dr. Howard sa dako ni Aveline. Nakamulat lang ang mata nito, nakatingin sa kawalan. "Her pupils are equal and reactive. Her brain scan shows a slight disturbance in the left hemisphere of the brain." Napakunot noo si Dr. Victor Howard sa nakita, pinindot ang makina at nagsalita. "Code number 339. Requesting for Triazolam." Nang marinig ang kaniyang boses, awtomatikong pinadaloy ng computer ang gamot papunta sa ugat. Bumalik ulit sa pagtulog si Aveline, nakahinga ng maluwag ang doktor, kung hahayaan lang ang sleep paralysis ni Aveline maaring magkaroon ng masamang epekto sa utak at mapunta sa comatose.

Tiningnan ni Dr. Howard ang relo, ilang minuto na lang ang natitira at tuluyan nang mabubura ang alaala ni Aveline.

"Doctor...shall we inform Miss Sinclair?" tanong ng assistant.

Tumango ang doktor. "Please tell her."

[ "Heart assessment, no visible pulsations on the aortic and pulmonic areas. There is no presence of heaves or lifts." ]

May dumaan na pulang ilaw sa katawan ni Aveline.

[ "Normal breath sounds without dyspnea." ]

Pinagpatuloy ulit ang paghaplos ng ilaw at rumehistro na sa monitor na normal na ang lahat.

[ "Anterior thorax, quiet, rhythmic and effortless respiration." ]

Isang puting liwanag ang bumalot sa mukha ni Aveline. Napasinghap siya ng hangin. Ilang beses umubo, natagpuan ang sarili na nakahiga sa loob ng bathtub. Umapaw ang tubig at napayuko siya habang nakaupo. Umabot hanggang dibdib ang tubig. Ilang beses siyang umubo habang naghahabol ng hangin. Dahan-dahang umahon, tumutulo ang basang damit, nakasuot ng puting long sleeves at puting pantalon. Inilabas niya ang paa mula sa bathtub at nag-iwan ng marka sa tuyong sahig.

Basang-basa ang katawan nito, tumutulo rin ang basang buhok at nanghihinang napaupo sa sahig si Aveline. Sumandal siya sa bathtub, iginala ang paningin. Lahat puti ang paligid. Tanging ang bathtub lang na puno ng tubig ang kasama nito. Ipinikit na muna ang kaniyang mga mata habang nakaupo sa sahig at nakasandal sa tub. Nagbago ang paligid sa pagmulat ni Aveline ng mga mata.

"Do you like to make a wish?"

Dalawang kamay ang nakayakap sa kaniya, nakasandal si Aveline sa harapan ni Margo. Nakasakay sila sa isang bangka at napapaligiran ng mga umiilaw na lampara ang dagat.

Ang taga-sagwan ng bangka ay nakatalikod sa kanila. Abala ito na hindi matamaan ng bangka ang mga lumulutang na lampara.

"Wala na yata ako mahihiling pa. Natupad na ang hangarin ko," tugon nito habang nakasandal kay Margo, inilagay ni Aveline ang kamay sa tubig.

"Ano ba ang hiling mo?" tanong ni Margo.

Napapikit si Aveline at bumulong, "Ikaw ang hiling ko."

Naging maliwanag ang dagat sa mga lumulutang na ilaw at binalot na ng gabi ang paligid.

"Hindi ka ba naiinis kung minsan isip-bata ako?" Tanong ni Aveline. Sumilip na rin ang mga bituin sa langit.

Yumuko si Margo, ibinaon ang mukha sa leeg ni Aveline. Patuloy pa rin sa pagsagwan ang lalaki. May mga taong nakasakay sa mga bangka ang nagpapaanod ng mga lampara.

Huminga ng malalim si Margo at sinamyo ang buhok ng dalaga. "You mean when you're being childish?"

"Oo...madalas." Nakapikit na sagot ni Aveline. Umihip ang hangin, hinaplos ang kanilang mga mukha.

"Margo?" mahinang pagtawag nito.

"Yes?" Tugon ni Margo na nakatingin pa rin sa dagat. Isang ngiti ang gumuhit sa labi ni Aveline. "Salamat."

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon