51

690 53 9
                                    


"Margo...huwag ka na mainis. Kaunti lang naman ang pasahero eh." Bulong ng ni Aveline sa katabi, hinawakan ang kamay na nakayakap sa beywang at nararamdaman ang malambot na pisnging dumapo sa kaniyang balikat.

"Why do we have to ride a jeep? We can always take my car." Pagrereklamo ng katabi ni Aveline dahil kanina pa naiinis sa loob ng dyip, hindi pa nakatulong ang mga nakaw na tingin ng ilang pasahero.

Nakasimangot si Margo kaya hindi maiwasang titigan ng mga pasahero, nakasuot ng blusang pula na may disenyong bulaklakin at maluwag na pantalong itim na gawa sa malambot na tela. Napilitan pa ito magsuot ng tsinelas na puti at kung titingnan si Margo ay parang napakapresko sa paningin dahil sa kaniyang suot ay nagmukha siyang modelo na madalas nakikitang nakapaskil sa centerfold magazine ng summer edition.

Ang kaniyang berdeng mata na napakapreskong tingnan ay nagmistulang yelo sa klima ng tag-init. Nalalanghap sa loob ng dyip ang mga iba't ibang usok sa labas ng bintana na sinasabayan ng mga usok ng tambutso, usok ng barbeque at mga nagtitinda ng mais.

"Where are we going?" Maya maya'y tanong ni Margo habang nakayakap kay Aveline. Bahagyang lumingon ang tsokolateng mata at tinitigan si Margo. "Puntahan natin ang summer workshop ni Mrs. Poulain. Samahan mo ako gumawa ng cake." Hinawi nito ang kaniyang buhok sa likod para hindi mahirapan si Margo na nakasandal sa kaniyang balikat.

Napabuntong hininga si Margo. "I can hire someone to teach you. Pwede naman kita turuan mag-bake." Ibinaon na naman ang kaniyang mukha sa leeg ni Aveline.

Napangiti siya sa tinuran ng katabi. "Alam ko, lahat magiging madali sayo. Pero mas maganda kung paghirapan ko rin ang iba."

"Kahit gustuhin ko mag-astronaut. Matutupad dahil sayo. Mas masaya ako na kasama kita. Gusto ko ng simpleng buhay. Basta kasama kita kaya ko masabayan ang mundo mo." Tugon ni Aveline habang hawak ang kamay na nakayakap sa kaniya at malayang pinagmamasdan ang tanawin sa labas.

Masuyong hinalikan ni Margo ang pisngi nito. "Sasamahan kita sa mundo mo, Aveline."

++++

"Nagustuhan mo ba ang dyip?" masayang tanong ni Aveline habang magkasabay silang naglalakad sa malawak na pasilyo at papunta sa bakeshop ni Mrs. Poulain. Nasa loob ito ng mall at may katabing bookstore. May mga boutique sa tabi ng bakeshop ni Mrs. Poulain, hindi rin maiwasan tapunan ng tingin si Margo ng mga taong nakakasalubong nila.

Bumuntong hininga si Margo sa tanong at bahagyang kumunot pa ang noo. "It's horrible. But I can ride again. Basta kasama kita. Ayoko ng amoy sa dyip."

Tumawa ang tsokolateng mata sa narinig. "Kung nalulusaw yata ako siguro naubos mo na ako sa jeep. Kanina mo pa ako inaamoy eh." May bahid na panunukso ang boses nito, lumingon kay Margo at naging malalim ang kaniyang dimples sa ngiti.

Ginanap ang workshop sa malawak na kusina na pag-aari ni Mrs. Poulain. Maaliwalas ang paligid, nakahanda na rin ang mga gamit at maayos nang nakalapag sa malinis na mesa. Hindi naman nahirapan ang dalawa sa mga dapat gawin dahil lahat ay nakahanda na ang mga sangkap.

Nagsisimula na rin ang ibang mga estudyante sa paggawa ng tinapay. Karamihan ay may suot na apron at matamang pinagmamasdan ng may-ari na si Mrs. Poulain ang ginagawa ng mga estudyante. Samantala, hinayaan na lang ni Mrs. Poulain ang dalawa, hindi na kailangan turuan si Aveline dahil madalas itong pumapasok sa klase ng guro.

"Ready ka na?" tanong ni Aveline. Isinuot na nito ang apron kay Margo at maingat na itinali ang buhol sa likod.

"Baking is easy." Walang anumang tugon ni Margo habang inaayusan kaya napairap na lang ang tsokolateng mata sa narinig. "Sus, yabang mo talaga," panunukso nito. Kinurot na naman ang pisngi ni Margo sapat na para tapunan siya ng masamang tingin pero tumatawa lang si Aveline.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon