45

772 63 8
                                    


Iginuhit ni Margo mula sa lapis ang isang imahe, nilagyan niya ito ng kulay at ginuhit din ang langit sa sketch pad. Nag-ingay ang kaniyang modelo. Napangiti naman si Margo sa bintana. "You may go now, kind sparrow. Thank you for your help." Lumipad ang ibong maya nang maubos na ang pagkaing nakalagay malapit sa bintana.

"Iha...magpahinga ka na. Ipinaghanda kita ng meryenda." Isang banayad na boses ang papalapit. Natapos na ni Margo ang pagguhit, inilapag nito ang sketch pad malapit sa sofa. "Thanks. Nanay Melinda. I'm already finished."

Inapuhap ni Melinda ng kaniyang kamay ang sandalan ng sofa, nararamdaman nito ang malambot na telang puti na bumabalot sa sofa, hinanap niya si Margo sa pagkapa sa sandalan at nang matagpuan ay hinaplos ng matandang bulag ang buhok nito.

"Natutuwa ako na nandito ka. Matagal ka na rin hindi nakakadalaw." Nakangiting pahayag niya habang nakatayo sa likod ng sofa.

"I've been busy, Nay." Lumingon si Margo.

"Busy and happy?" Dugtong ni Melinda at idinako ang paningin sa boses nito.

"Was happy," matipid na dagdag ni Margo.

"Ganun ba...kahit paano naging masaya ka rin, iha." Wika ni Melinda na nakangiti. Gamit ang tungkod, pumunta siya sa grand piano, magpapatugtog ulit siya ng masamyang himig upang aliwin si Margo.

Pumunta si Margo sa piano, tinabihan ito at sinimulang sabayan ang pagtugtog ni Melinda. "Thank you for helping me, Nay. She will be a good daughter," taimtim na pasasalamat ang sinambit kay Melinda.

"Dalawa na anak ko, Margo. Ikaw at si Aveline. Alam ko magiging isa siyang mabuting anak. Masaya ako na tumayong ina ni Aveline." Nakangiting tugon ni Melinda habang hinahaplos ang mga piyesa.

Matamang pinakinggan ni Margo ang saliw ng piano. "Have you thought what will be her name? She has a new life. Lahat magbabago na. You will live in a new place. Everything is provided. Her heart's desire can be possible. She can have everything and be anything she wants."

"Ayaw mo ba mapalapit ulit sa kaniya?" Pinindot ulit ni Melinda ang piano para sabayan ang saliw ng malamyos na musika.

Napabuntong hininga si Margo. "I'm not ready, it still hurts. Nasasaktan ako na tumingin sa kaniyang mga mata. I'm scared to look into her eyes that I no longer exist."

"I can no longer feel my heart as if it belonged to me. It now felt as it had been stolen, torn from my chest by someone who wanted no part of it."

Hinawakan ni Melinda ang kamay ni Margo. "That's part of loving, Margo. To love and let go, love and let go, love and let go...it's the most important thing we can do in this lifetime."

"You've felt my pain. Do I really regret trying to love? It's one moment of joy beyond compare. But the downside to that taste of happiness is a glimmer of paradise, it leaves me in misery." Ipinagpatuloy ni Margo ang pagtugtog sa piano.

Nararamdaman ni Melinda ang sakit na nabubuo sa puso nito. Ninais niya noon na umibig ang imortal at tumugon ang tadhana sa kaniyang hiling. Nababatid ng matanda ang kalungkutan. "Life will break you, Margo. Nobody can protect you from that, and living alone won't either, solitude will break you with its yearning. You have to love. You have to feel. You are here to risk your heart. You are here to be swallowed up. And when it happens that you are broken, or betrayed, or left and hurt. From your immortality, you felt to be human."

Isang malungkot na ngiti ang sumilay kay Margo, tumugtog na lang ng musikang may bahid ng pangungulila. Isang malamyos na hiyaw sa piano na may halong lungkot at malamlam na pighati. "Please take care of her," naglalaman ng lungkot ang namumutawi sa boses sa kaniyang pakiusap.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon