10

1.4K 92 27
                                    


6 am.

Bumangon si Margo at dumiretso sa banyo, nag-ayos ng sarili at nagsimulang maglagay ng itim na contact lens. Nagpahid siya ng tan cream sa mukha, leeg, at sinuot ang kanyang electrician's uniform. Itinakda niya ang oras sa kanyang relo; kailangan niyang matapos ang plano sa loob ng tatlong oras.

Lumabas si Margo at pumunta sa pulang kotse, kinuha ang pantalon ng babae, at bumalik agad sa kwarto. Sinimulan niyang isuot ito sa natutulog na babae. Pagkatapos maayusan, hinanap niya ang sapatos ngunit nag-atubili nang makitang maraming bahid ng dugo ang mga ito.

Biglang may naalala si Margo, agad siyang pumunta sa van at may kinuha sa loob. Pumunta siya sa lababo at nilinis ito. Habang nililinis ang isang bagay, parang ayaw niyang mabasa ang loob at maingat na pinunasan niya ito ng towel hanggang sa tuluyang natuyo.

Umupo si Margo sa kama, hinawakan ang dalawang paa ng babae at inilapag sa kanyang hita. Napakaganda ng mga paa nito, malambot at makinis. Hinaplos ni Margo ang talampakan na parang sinusukat. "It will suit you..." Dahan-dahang isinuot niya sa babae ang sapatos na nilinis niya.

Nagkasya ang sapatos sa paa nito. Kulay pula na mistulang mamahalin dahil sa pagkakagawa sa leather, malambot sa talampakan at napakagaan. Hindi tipikal kay Margo ang mamulot ng gamit ngunit kakaiba ang nakita niya, at sa hindi maipaliwanag na dahilan, kinuha niya ang sapatos sa palayan; ang isang sapatos ay may bahid ng putik habang ang kapares nito ay nasa gilid ng daan. Mukhang bago pa ito, tila isang beses lang nagamit at hindi rin lumang tingnan.

Napangiti si Margo sa naisip at nakatitig sa babae. "You are a sleeping beauty and Cinderella."

"I'll keep your old shoes." Kinumutan niya muna ito bago lumabas ng kwarto.

Pumunta si Margo sa garahe, kailangan pa niyang ayusin si Salvador. Isinuot na niya ang surgical mask at guwantes. Binuksan ang compartment ng kotse at tumambad ang naninigas na bangkay ni Salvador. Sinimulang buhatin at inilapag sa nakalatag na kumot. Inis na napabuntonghinga ito, hindi na sana niya binaril sa ulo.

Bumuntong hininga na lang ulit si Margo dahil hindi pa naman nangangamoy si Salvador; kinuha ang mahabang forcep o gamit na pang-hugot. "I can't believe I have to harvest. I like planting bullets," naiinis na himutok nito habang nakatingin sa bangkay at hawak ang mahabang forcep. Sinimulan niyang kunin ang mga itinanim na bala sa katawan ni Salvador. Mukhang pinalamanan ng isang libong okra ang bangkay, malapot, namamaga at tumutunog habang hinuhugot ni Margo ang bala. Basa at napakalagkit pa ng katawan ni Salvador.

Ang pinakamahirap ay hugutin ang bala sa ulo ni Salvador, daig pa niya ang kumukupit sa alkansiya dahil masiyadong nabaon ang bala sa ulo nito. "You're really a hard headed," sambit ni Margo. Sinubukan muli at sa wakas nakuha na rin.

Pagkatapos hugutin ang mga bala, ibinalik niya ang katawan sa compartment at tinanggal ang mask at gloves pati na rin ang apron ay itinapon sa loob ng drum. Walang sinayang na sandali at pumunta agad sa motor. Tiningnan ang relo, meron pang labinlimang-minuto para sa susunod na gagawin.

Pinaharurot ni Margo ang motor, pumasok siya sa palengke, pumunta sa meat stall at bumili ng dugo ng baboy. Agad na umuwi, pinakialaman ang kotse ni Salvador at pinalitan ng ibang plate number. May mga kinuhang gamit sa loob ng bahay, isang mahabang baril, mga gamit na pampasabog at inilagay sa loob ng sasakyan. Tiningnan din niya ang labas ng van, napangiti dahil may mahabang hagdan para sa poste. Inayos din ang suot pagkatapos maihanda ang lahat ng gamit. Hindi rin kinalimutan ni Margo magdala ng gloves at spray container.

Sinipat ulit ang relo, may natitira pang dalawang oras. Pumunta siya sa kwarto at kinuha ang natutulog na babae at pinaupo sa loob ng van. Sinimulan na rin niyang ilabas ang dalawang sasakyan, gaya ng nakagawian hinila ang kotse ni Salvador gamit ulit ang van at nagsimula nang bumiyahe.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon