19

959 76 0
                                    


Isang pares ng berdeng mata ang matamang nakatingin sa labas ng kotse, malayang pinagmamasdan ang munting tubig na umaagos sa bintana.

Isang ngiti ang gumuhit sa mukha ni Margo.

Napabuntong-hininga na lang siya, kalungkutan ang nakalarawan sa kanyang mga mata. Papunta na siya sa ospital upang bisitahin ang kaibigan. Napasandal na lang siya sa upuan habang binabaybay ng sinasakyan ang daan.

"Miss Sinclair, andito na po tayo," maya-maya'y pukaw ng kanyang driver. Bumaba siya sa kotse at pinagbuksan ng pinto si Margo.

Tinahak ni Margo ang daan papasok ng ospital. Isang doktor ang nakatayo malapit sa pinto, naghihintay. "Good Afternoon, Miss Sinclair," bati ng isang babaeng doktor na nasa edad singkwenta anyos, nakikitaan ng maamong ugali dahil sa ngiti at makislap na mga mata.

"How is he doing?" tanong ni Margo sa doktor.

"His condition is already weakening, oras na lang ang hinihintay niya. He's been waiting for you, Miss Sinclair."

"Thank you for informing me, Dr. Mendes," wika ni Margo. Sabay nilang tinahak ang pasilyo hanggang sa nakarating sila sa silid.

Pumasok sila sa isang pribadong kuwarto na may monitoring machine, oxygen, at iba pang gamit pang-ospital. May matandang lalaking nakahiga sa kama, naghihina na ito at may nakakabit na kable sa bandang dibdib. Tanging ang tunog ng makina ang maririnig, makikita rin na gumagalaw ang mahahabang linya sa monitor.

Nilapitan ito ng doktor. "Mr. Kagame, Miss Margo Sinclair is here." Bumulong si Dr. Mendes sa tainga ng matandang lalaki. Unti-unting iminulat nito ang mga mata at ngumiti nang makilala siya.

"T-thank you," wika ni Kagame sa nanghihinang boses. Tumango ang doktor, pumunta siya sa bintana at hinawi ang kurtina. Patuloy pa rin ang buhos ng ulan at dumungaw ang sinag ng araw.

Napangiti si Kagame nang masilayan ang sinag ng araw na sinasalamin ng bintana, ang alikabok ay nakulong sa liwanag na mistulang isang kalawakan. Naaninag din ang bahaghari sa labas ng bintana na sinasabayan ng mahinang ulan.

Umupo si Margo sa bakanteng upuan malapit sa uluhan ng pasyente. Nang lumabas ang doktor, nagtungo si Margo sa kama at binigyan siya ng ngiti ni Kagame. "Comment êtes-vous, Mademoiselle Sinclair?" ["How are you, Miss Sinclair?"] binati niya ito sa nanghihinang boses.

"Je vais bien, comme toujours... mon ami" ["I'm fine as always...my friend."] Sinuklian din siya ni Margo ng ngiti. Kinuha niya ang maliliit na planggana na nasa mesa, binabad ang puting bimpo sa maaligamgam na tubig at marahan niyang pinunasan ang mukha ni Kagame. May pilat sa pisngi nito, mayroon sa noo, may pilat din sa braso at may nakaukit na mahabang linya sa kanyang dibdib.

Napangiti ang matanda sa pag-aasikaso ni Margo. "You never changed a bit, Mademoiselle." Marunong din magsalita ng Ingles si Kagame, kahit pinanganak siya sa Africa at matagal nang nanirahan sa Pilipinas. Magiliw siyang nakatingin kay Margo, sa nanghihinang kamay hinawakan niya ang kamay ng imortal.

"Time has change Monsieur." Turan ni Margo, naramdaman niya ang mahinang palad nito na napakagaan, katulad ng sanga na madaling mabali.

"Miss Sinclair, you are attractive, intelligent, well-spoken...diffident in the most seductive way, and yet... powerful...is all alone in this world? F-forgive my audacity to ask such reckless question mademoiselle." Bumilis ang paghinga ni Kagame nang magsalita. "My heart...saddens to leave you. I don't want you to be alone."

Napangiti si Margo sa binanggit nito. Ilang daang taon na rin siyang nabubuhay, isa si Kagame sa mga taong tunay na nag-aalala sa kaniya. "You remind me of my old teacher, Monsieur. He is wise like you, he never fails to care for me." Turan ni Margo at ibinalik ang basang bimpo sa lalagyan pagkatapos punasan ang matanda.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon