14

1.3K 86 10
                                    


"I'd like to meet our new client, and can you cancel my next appointment, Diana?" Bilin ni Margo habang pinipirmahan ang mga papeles.

"Would that be all, Miss Sinclair?"

"Yes," tugon niya nang walang lingon.

"The meeting will start in fifteen minutes. I'll go ahead now, Miss Sinclair." Tumungo na si Diana sa pinto.

Tumango lang si Margo sa sekretarya, abala pa rin sa pagpipirma hanggang sa matapos niya ang ginagawa.

Tumayo si Margo at napagpasiyahan niyang pumasok sa boardroom. Nakaupo na ang lahat ng mga empleyado ngunit wala pa ang hinihintay na kliyente. Ilang minuto na ang lumipas, ngunit wala pa ring dumadating.

"What's taking so long?" Napatingin si Margo sa relo, naiinip, at walang maisagot ang mga tao sa loob.

"Mr. Veron told us he will be here," pagkukumpirma ni Diana.

"I'll wait for another minute...kapag hindi pa siya dumating, I will leave." Nagpasya na si Margo, ngunit biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang napakagandang babae. Matangkad, elegante at sopistikada ang pananamit. Blonde ang buhok na bumagay sa maputing kutis at mestisahin ang mukha.

Ang tanyag na modelo at tagapagmana.

"Miss Ophelia Veron?" gulat na pahayag ng sekretarya ni Margo.

Ngumiti si Ophelia at umupo agad. "I'm sorry...I'm late. I will be the one to represent my father," ang boses niya'y natural, malambing, at nakakaakit pakinggan. Nakapuwesto na siya sa dulo ng mesa habang nasa kabilang dulo naman si Margo.

"Let's start the meeting," nababagot na turan ni Margo at inirapan lang siya ni Ophelia. Ilang sandali ang lumipas, natapos na ang meeting, at isa-isang nagsilabasan ang mga tao.

"Can I talk to you Margo?" tanong ni Ophelia habang dahan-dahan nilapitan ang nakaupong si Margo.

"What is it, Miss Veron?" Tumayo si Margo at walang interes na tinitigan ang papalapit na si Ophelia.

Napairap lang ito sa tugon ni Margo. "Oh...you're being formal now? Margo Sinclair."

"I never knew you'll be interested in business, Ophelia. If you will ask me about the deal...it's all settled now. You just have to sign it." Malamig na tugon ni Margo, mas pinagtutuunan pa niya ng pansin na ayusin ang gusot sa palda, pumunta na sa pinto ngunit biglang hinawakan ni Ophelia ang kaniyang braso.

"Damn you, Sinclair! Ano ba? After the casual sex we had...ganun na lang ba sayo yun?" Naiinis na sumbat ni Ophelia at hawak ang braso nito.

"We had sex...just like everybody else," walang ganang tugon ni Margo.

"But you kiss me." Madiing pahayag ni Ophelia at tinaasan siya ng kilay.

"What are you? Twelve years old?" nayayamot na sagot ni Margo, "leave me alone...Miss Veron."

"You can't leave me like that...I will be the one to decide if I'm done or not...but right now...gusto pa kita. You green eyed bitch!" Napipikon na tugon ni Ophelia, itinulak si Margo sa pinto, hindi man lang naapektuhan dahil blangko ang tingin nito hanggang sa siniil ng halik ni Ophelia ngunit itinulak siya palayo.

"Foolish creature," panunuya ni Margo. Walang paalam na lumabas ng pinto at iniwan si Ophelia.

++++

Isang mapayapang gabi ang namamayani sa paligid. Gaya ng dati, buhay na buhay ang lungsod, at hindi nawawala ang matitingkad na ilaw. Nagsilabasan na rin ang mga sidewalk vendors at nagsimula nang magtinda. Malalanghap ang amoy ng pritong mani, nilagang mais, barbecue, at lugaw sa tabi ng kalsada.

Sands & SparrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon